President Rodrigo Duterte reveals Kris Aquino texted him not to go after her brother Noynoy

IMAGE Facebook: Presidential Communications Office / Noel Orsal

Nakiusap daw si Kris Aquino kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng text na huwag daw habulin ang kanyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino. Sabi naman ng pangulo, gusto lang daw niyang malaman ang katotohanan sa madugong Mamasapano massacre. 


Ihinayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinadalhan siya ng text message ni Kris Aquino upang hilinging huwag daw pag-initan ang kapatid na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino.

Ito ay may kaugnayan sa masaklap na pangyayaring tinatawag na Mamasapano massacre, kung saan 44 na miyembro ng Philippine National Police - Special Action Force (PNP-SAF) ang napatay ng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong taong 2015.

Sabi pa ni President Duterte sa ulat ng GMA News Online ngayong gabi, February 6, “Si Kris nag-text. Sabi, 'Huwag mo namang ipakulong si Noynoy.’”

Sagot daw ng pangulo kay Kris, “No Kris. I am not out to find faults. I just want to know the truth.”

Nahaharap ang dating Pangulong Aquino sa kasong homicide sa Ombudsman, na may kaugnayan sa Oplan Exodus, isang operasyon ng pulisya noong January 25, 2015, na naglalayong mahuli ang teroristang si Zulkifli bin Hir at Basit Usman sa Maguindanao.

Kaugnay pa nito, sinabi ni Duterte na hindi na niya ipupursige ang pagbuo ng isang komisyon na mag-iimbestiga sa Mamasapano incident.

Sa halip, aantayin daw nitong matapos ang isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman.

Dagdag pa ng Pangulo, “I am not going ahead with the creation of a commission because apparently, the Ombudsman has said that it's still pending before them.

"I do not want to have a multiple incongruity, especially if one finding fights with the other. So hintayin ko na lang.”

Bukod kay dating Pangulong Aqunio, kabilang din sa mga nasampahan ng kaso sina dating PNP chief Alan Purisima at dating PNP-SAF director Getulio Napeas Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN