Ai-Ai delas Alas after Papal Award: "Hindi na ako judgmental."

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas on receiving Papal Award: "Hindi ako nagdya-judge, 'yon ang nabago sa akin. Kasi parating naiisip ko, nakakahiya naman kay Lord kung magdya-judge ako kaagad."


Aminado si Ai-Ai delas Alas na may ilang nabago sa kanyang pag-uugali simula nang matanggap niya ang Pro Ecclesia et Pontifice medal mula kay Pope Francis ng simbahang Romano Katoliko.

“It changed me in a good way,” sabi ni Ai-Ai.

Nabawasan daw ang pagiging mapanghusga niya sa tao.

Paglinaw niya, “Hindi naman sa pananamit or sa ano... in a good way, like sa judgment.

Kunwari, nakikisali ako sa mga bali-balita, nagko-comment ako agad sa sarili ko. Parang, 'Naku, 'yang si ano...'

Ngayon, iniisip ko muna kung bakit siya nasa ganung sitwasyon. Ano kaya ang nangyari?

Hindi ako nagdya-judge, 'yon ang nabago sa akin.”

Nakangiting sabi pa ni Ai-Ai, “Kasi parating naiisip ko, nakakahiya naman kay Lord kung magdya-judge ako kaagad.

'Yon lang naman ang nagbago sa akin, hindi na ako judgmental.”

Nakausap si Ai-Ai ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, February 2, sa press conference ng concert nila nina Ogie Alcasid at Erik Santos na Hugot Playlist.

NOT A SAINT. Nilinaw ni Ai-Ai na wala namang pressure sa kanyang magpaka-santa matapos siyang gawaran ng Papal Award.

Ayon sa tinaguriang Comedy Concert Queen, normal pa rin naman ang kanyang mga gawi.

Noong hinarap nga raw siya sa press, may nilinaw ang mga opisyal ng simbahan na nag-nominate sa kanya para sa award.

Sabi naman ni Bishop noong investiture ko, 'She's not a saint.

"'Hindi siya santa, nabigyan lang siya ng award.

'Normal pa rin siya. Dapat maging normal pa rin siya.'"

Kaya nga raw, “So, normal pa rin ako, ganun pa rin.”

Sa huli, ginawa pa niyang biro ang kanyang suot sa presscon, “Basta huwag lang akong masyadong naka-tangga... puwedeng shorts lang.

Ang cleavage ko ngayon, drawing na lang.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN