Ogie Alcasid surprised by daughter Leila's interest in showbiz

IMAGE Noel Orsal

Ogie Alcasid says daughter Leila wants to try showbiz while here on vacation.


Perfect opportunity raw na maituturing ang isang taong bakasyon sa bansa ni Leila, ang anak ni Ogie Alcasid.

Ang 19-year-old na si Leila ay panganay na anak ni Ogie sa dating Australian beauty queen na si Michelle Van Eimeren.

Sabi ni Ogie, magandang pagkakataon ito para mas magampanan niya nang husto ang pagiging ama niya kay Leila.

Pahayag ng singer-songwriter, “Sabi nga ni Michelle, 'Time mo na 'yan para magkaroon kayo ng magandang relationship.'

“Of course, nagpupunta ako doon [sa Australia], pero iba 'yong tatay ka talaga.

“'Tapos nakita rin niya 'yong lolo't lola niya. Eighty na rin 'yong parents ko, parang gusto rin niyang magkaroon ng relationship sa parents ko. Natutuwa naman ako.”

Nakausap ng PEP.ph si Ogie sa press conference ng Hugot Playlist concert nila nina Ai-Ai delas Alas at Erik Santos noong Huwebes, February 2.

Nang tanungin kung magiging istriktong ama siya kay Leila, napangiti si Ogie at sinabing, “Alam mo, tina-try kong hindi maging strict, pero lumalabas, e.

Natatawa lang naman siya sa akin. Siguro tina-timing-an lang niya ako.”

Sabay nagkuwento si Ogie ng ilang pagkakataong sinubukan niyang maging mahigpit na ama.

Kasi mayroon din naman siyang mga friends dito na lalaki. Sabi niya magdi-dinner.

"Sabi ko, 'Bakit kayo magdi-dinner? Friends mo na ba sila nang matagal? Dito kayo mag-dinner sa bahay, maghahanda ako.'

"Tapos hindi na darating 'yong mga lalaki,” natatawang kuwento ng Your Face Sounds Familiar celebrity judge.

Isa pang pagkakataon ay nang lumabas si Leila kasama ng anak ni Janno Gibbs na si Gabby.

Natatawang kuwento ni Ogie, “One time lumabas siya, nakalimutan ko na pangalan ng lugar pero basta sa BGC [Taguig]. Sabi ko, 'Sige, sasama kami.'

Sumama kami, nandito lang kami sa kabilang club. Ayun, nakalabas kami.”

TRYING LUCK IN SHOWBIZ. Samantala, tila sinusulit naman nang husto ni Leila ang kanyang bakasyon sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, sabi ni Ogie, sumasailalim ang dalagang anak sa workshop ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN, dahil nais niya ring subukan ang showbiz.

Tinanong ni Ai-Ai si Ogie kung kumakanta si Leila.

Sagot ni Ogie, “Hindi niya strength 'yon, pero kumakanta rin."

Pero yung interes ni Leila sa showbiz ang mas tumatak kay Ogie.

Ako, nagulat ako na gusto pala niya. E, ang laging sinasabi niya, gusto niyang maging lawyer, ganito-ganyan.

Kumakanta-kanta, siyempre, sa school. Siyempre, iba sa Australia, di ba? Hindi naman sila artista doon.

Nagulat ako in a good way.”

May binigay ba siyang payo kay Leila sa plano nitong subukan ang showbiz?

Sagot ni Ogie, “Sabi ko, 'Enjoy-in mo na lang kasi ganyan din naman kami noon, ine-enjoy lang namin. See if you really like it.'”

In the end, sabi nito tungkol sa interes ni Leila sa showbiz, “Mukhang determinado 'to.”

Choosday

A photo posted by Leila Alcasid (@leilalcasid) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN