Bianca Umali on her "no filter" post: "Wala po akong nilalait."

IMAGE Noel Orsal

Bianca Umali on her viral "no filter" post: "Nakakalungkot lang na nagkaroon ng iba't-ibang interpretasyon ang mga tao.


Nalungkot daw si Bianca Umali sa mga negatibong reaksiyon na idinulot ng “no filter” post niya kamakailan sa Instagram.

“Nakakalungkot lang na nagkaroon ng iba't-ibang interpretasyon ang mga tao.

“Ang gusto ko lang naman pong ipahiwatig," paliwanag ng aktres, "once in a while, i-appreciate natin kung ano ang binigay sa atin ni God na wala tayong nilalagay na kahit na ano.”

Sa post na mabilis naging viral sa social media, nagbigay ng opinyon si Bianca tungkol sa pagiging dependent ng mga babae sa makeup.

Sabi pa niya sa post, “What I'm sad about is that most of the girls I have observed are more confident about themselves WITH make up on than having LESS or NONE.”

At sa isang bahagi ng post, sinabi rin ni Bianca, “Why not flaunt that beautiful face of yours without covering anything and leaving it how it really is?”


Stories We Are Tracking

Bianca Umali draws flak over #NoFilter post
Bianca Umali draws flak over #NoFilter post

Binatikos si Bianca ng mga netizens na nagsabing kelangan nila ng makeup kasi hindi naman alaga sa derma ang mga mukha nila, di gaya ng mga artistang may pera pang-duktor.

Bagamat nakatanggap ng iba't-ibang pamba-bash, nanatiling tahimik si Bianca.

Nagkaroon lang ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Bianca kanina, February 7, sa press conference ng bago niyang weekly show, ang Full House Tonight.

Nang tinanong siya tungkol sa post, paliwanag ni Bianca, “Ang gusto ko lang naman pong ipahiwatig, once in a while, i-appreciate natin kung ano ang binigay sa atin ni God, na wala tayong nilalagay na kahit na ano.”

Nilinaw rin ni Bianca na hindi niya ipinangangahulugang ayaw niya sa mga taong nagme-make-up.

Inamin din niyang bilang artista, ginagamit niya ito.

“Yun nga po, ako mismo, hindi ko naman po puwedeng sabihin na against akong mag-makeup.

“Because, I myself love putting makeup, at kasama po sa trabaho ko ang nagmi-makeup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I'm not against people. I'm not against anyone," saad niya.

Hindi itinanggi ng 16-year-old Kapuso star na naapektuhan siya sa naging reaksiyon sa kanyang Instagram post.

“Hindi naman po maiiwasan yun, talagang apektado rin po kahit papaano.”

Gayunman, sabi ni Bianca, “It's okay, I stated my opinion, and they stated theirs, so it's okay.

“Pero yun nga po, wala po akong nilalait, wala po akong minamaliit, wala po akong ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN