Vice Ganda on being linked to Ronnie Alonte: "Masaya kami at maganda ang relasyon namin sa isa't isa."

IMAGE Mark Atienza (Vice Ganda) / Nikko Tuazon (Ronnie Alonte)

Vice Ganda (left) on people who see malice in his friendship with Ronnie Alonte (right): "Tanggap na namin yun, na ganun talaga kadumi ang utak ng mga tao."


Inili-link ngayon si Ronnie Alonte kay Vice Ganda dahil sa ibinigay na clue kailan lang ng TV host-comedian na ang bago niyang inspirasyon ay may serye sa ngayon.

At dahil magkasama sa It’s Showtime, nabibigyan ng kulay ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Ronnie at Vice.

Nilinaw naman agad ni Vice na walang espesyal na relasyong namamagitan sa kanila ni Ronnie kundi bilang magkaibigan lang.

Sinabi ito ng box-office star sa interbyy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice kahapon, February 6, sa set ng It’s Showtime.

“Alam mo, tanggap na namin yun, na ganun talaga kadumi ang utak ng mga tao.

"Pag nakakita sila ng isang bakla at ng isang lalakeng close, iisipin nila na may something special at bibigyan nila ng kakaibang kulay,” simula ni Vice.

“Ako, masaya ako sa mga kaibigan ko, kasi malawak ang pang-unawa nila. Dedma sila kung ano ang sasabihin ng mga tao.

“Ang mahalaga, masaya kami at maganda ang relasyon namin sa isa’t isa.

“Ganun talaga, e. ‘Di namin sila makokontrol.

"Ang mahalaga, di naman naapektuhan ang friendship namin.

"Close talaga kami nila Ronnie na dito sila tumatambay sa dressing room.”

Nabanggit din ang pangalan ni Zanjoe Marudo sa napaghihinalaang bagong boyfriend ni Vice, bagay na binigyang-linaw din ng It’s Showtime host.

“Wala yun, hello! Gusto ko lang siya,” sagot agad ni Vice.

MOVIES WITH LLOYDIE, DANIEL. Naging matagumpay ang pelikulang The Super Parental Guardians na huling pinagsamahan nina Vice at Coco Martin.

Ngayong taon ay may dalawang pelikulang maaaring gawin ng komedyante.

“Mayroon ako this year, di ko lang alam kung sino ang makakasama ko. Dalawa yun, e. Dalawa yung napag-usapan last year.

“It’s either John Lloyd [Cruz] or Daniel Padilla.

"Kasi puwedeng dalawa yung pelikulang gawin ko, or isa lang, depende sa schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayroon akong John Lloyd at Daniel. Yung Daniel Padilla nga, two years ago na, e.

“Kami ni John Lloyd, we actually met and conceptualized kung ano yung gusto naming tema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN