Maja Salvador ready to welcome new love

IMAGE Beatriz Patroza

Maja Salvador feels no bitterness over failed relationships.


Nag-iba na raw si Maja Salvador kung ang pag-uusapan ay ang pagpasok sa isang relasyon.

Hindi na rin naman daw siya kasi bata.

"Magtu-twenty eight na rin naman tayo, di ba," sabi ng Kapamilya star nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa ginanap na grand presscon ng Valentine's movie nila ni Paulo Avelino, ang I'm Drunk, I Love You, sa Annabel's Restaurant kamakailan.

Nagbiro naman si Maja na ang gusto niya sa isang lalaki ay yung binibigyan siya ng pagkain.

Pinatulan ng press ang biro kaya tinanong siya kung mas gusto ba niyang binibilhan siya o pinagluluto ng pagkain?

"Parehas," mabilis naman niyang sagot.

May nagtanong kung may lalaki pa bang gaya ni Erwan Heusaff na pinagluluto ang girlfriend na si Anne Curtis?

"Kaya nga may forever sila, di ba," sabi naman ni Maja.

Naniniwala rin siya sa forever?

"Oo naman! Hopeless romantic ako," lahad niya.

Positibo pa rin daw si Maja pagdating sa pag-ibig sa kabila ng ilang pinagdaanan niya sa relasyon.

Ayon sa kanya, "Sobrang welcome ako sa love. Parang wine-welcome ko palagi ang love."

Hindi siya naging bitter kahit na nauwi sa breakup at hindi naging maganda ang hiwalayan nila ng mga ex-boyfriends?

"Hindi, kapag may nagti-text nga sa akin, kinikilig ako," natatawang sabi niya.

"Di ba, exciting ang love, e, Yun ang pinaka-the best feeling, yung love. Siyempre, ayoko namang the best feeling e pain.

"Best feeling yung love at best feeling yung nagpaparamdam na espesyal ka nga.

"So bakit mo kailangang i-reject yun?"

Kung meron daw siyang natutunan sa previous relationships, ito ay, "It's just the timing, yung time lang."

Kung si Maja lang daw ang masusunod, mas gugustuhin niyang non-showbiz guy na ang susunod na boyfriend.

Pero, aminado siyang ito ay kasama sa mga bagay na hindi mo masasabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, kung maaari, non-showbiz. Pero, hindi naman lahat makakaintindi sa mundo natin, hindi matatanggap.

"So ako, bahala na si God kung ano ang ibigay niya.

"Non-showbiz or showbiz, as long as mamahalin niya ko, tatanggapin niya ang trabaho ko.

"Mahaba ang pasensiya niya sa kung paano ako magtrabaho.

"Kasi sa ngayon, trabaho talaga, e."

Sa ngayon, dalawang taon na raw siyang single simula noong naghiwalay sila ni Gerald Anderson.

Naging vocal si Paulo Avelino, ang leading man niya sa pelikulang I'm Drunk, I Love You, na noon pa man ay crush na niya si Maja.

Hindi ba sumagi sa isipan ni Maja na "what if" sila na lang?

Sagot nito, "Well, sabi ko nga, yung mga fans gusto nga nila, siyempre, maiisip mo rin.

"Ano nga kaya 'no, may ganun lang. Pero hindi yung magdya-jump ka na, na gusto kong i-try."

Hindi ba ito nag-attempt o sumubok na manligaw sa kanya?

"Tulad nga ng sabi niya, torpe siya," natatawang sabi ni Maja.

Dugtong ng dalaga, "Hindi e, feeling ko more on magkaibigan lang talaga.

"Lumalabas kami kasama ang friends niya, friends ko. May mga common friends kami."

Sa I'm Drunk, I Love You, mismong si Paulo raw ang nagrekomendang maging leading lady siya nito.

Na-touch ba siya?

"Parang oo nga, ang dami ng in-offer sa kanya, ang daming ni-reject.

"Parang siguro rin, alam din naman ni Pau na medyo malaki rin yung support, well, parang ang dami rin naming fans.

"Parang nagulat din kami na ang dami rin PauMaj, so feeling ko naisip din niya na gift din for our fans."

Pangalawang Valentine's Day na raw itong si Paulo ang kasama niya.

Kuwento ni Maja, "Last year, kasama ko si Paulo. Nasa U.S. kami, may show kami.

"Nilibre niya ko ng lobster, kasi San Francisco, e. Sabi ko, 'Gusto ko ng lobster.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila pa rin ni Paulo ang magkasama ngayong taon dahil may pelikula sila na showing sa February 15?

"Ngayon kasi, in-offer ko nga kay Vice na mag-guest ako.

"Pero dito sa movie, alam ko, parang may promo yata na karaoke night, parang ganun sa I'm Drunk, I Love You so, naka-standby pa kung tuloy.

"Pero ang pinaka-tuloy this Valentine's Day is yung kay Vice nga."

Paano kung bigla siyang ayain ni Paulo na mag-date sa February 14 bilang pareho silang single?

"Oo, pero for sure hindi kaming dalawa lang, marami kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN