Pauleen Luna wants to have a baby soon

IMAGE Instagram (@[pauleenlunasotto)

Pauleen Luna on having a baby: "Huwag na lang pa-pressure. Siguro kasi siguro mas mahirap kung magpa-pressure."


Na-enjoy nang husto ng mag-asawang Vic Sotto, 62, at Pauleen Luna, 28, ang dalawang linggong bakasyon sa Africa noong nakaraang buwan, na tumaon pa sa kanilang first wedding anniversary.

Hindi raw nila sinadyang mag-celebrate ng wedding anniversary nila sa Africa.

Nagkataon lang daw na na-move ang trip nila.

Ayon kay Pauleen, “Dapat last year October alis na kami, kaya lang nagpi-prepare sila ng Enteng, kaya na-move namin ng January.”

Ang pelikulang tinutukoy niya ay ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers na ipinalabas noong November, 2016.

“Dun lang namin na-realize na natapat siya sa anniversary,” kuwento pa ni Pauleen nang nakapanayam namin sa radio program na Showbiz Talk Ganern ng DZRH.

Ikinasal si Pauleen kay Vic sa St. James The Great Parish Church sa Alabang, Muntinlupa noong January 30, 2016.

ON BABY PLANS. Hindi na rin daw muna tumatanggap si Pauleen ng mga trabaho na soap o pelikula dahil ang magkaroon ng baby ang focus niya sa ngayon.

“Baby muna,” pakli nito.

Gusto raw talaga nila ni Vic na magkaroon ng maraming anak, para masaya raw sa bahay nila.

“Kahit isa, dalawa, tatlo, apat, okay sa akin. Gusto ko talaga maraming babies,” natatawa niyang pahayag sa amin.

Nakaka-pressure ba sa tuwing matatanong siya kung kailan sila magkaka-baby?

“Kinda, pero huwag na lang pa-pressure, kasi mas mahirap kung magpa-pressure.

“Dadating din ‘yun,” saad ng 28-year old actress-TV host.

Ini-enjoy raw nila ang magbiyahe para ma-relax lang habang wala pa silang anak.

“Pag nag-abroad kami na mga ganyan, yung matatagal kasi nakakapag-relax talaga kami, e.

“Parang happy vibes lang, Walang mainit ang ulo, masaya lang talaga,” pahayag pa ni Pauleen.

Pero maisasantabi daw nila ni Vic ang mga planong biyahe kung makakabuo na nga sila.

AFRICAN SOJOURN. Kasama nila ang kapatid ni Vic na si Maru Sotto at ang asawa nitong si Mabel sa trip nila sa Africa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapunta raw sila sa Kenya, Zambia, Zimbabwe at Bostwana.

Nag-enjoy daw sila nang husto sa Safari trip sa Kenya dahil doon daw nila nakita ang halos lahat na hayop na umiikot doon.

“Kasi dun sa resort halos nandun lahat na mga animals na puwede mong makita.

“It’s easier to spot them kasi dry season. Kasi konti lang ang grass, hindi siya bushy,”

Nung anibersaryo daw nila nung January 30 ay nag-sunset cruise daw sila sa Zambezi River sa Zimbabwe.

“Hindi lang masyado maganda ang sunset kasi medyo cloudy,” patuloy na kuwento ni Pauleen.

Balak din daw nila ni Vic na bumalik ng Africa sa migration season kung kailan lumilipat ang napakaraming hayop mula Tanzania papuntang Kenya.

“Kasi ang migration dun, mga one million five hundred wildebeest nagku-cross ng Grumeti River.

“Pag sa taas ka, makikita mo yung million of animals na nagku-cross.

“Kapag natuyo ang river sa Tanzania, lumilipat sila sa Kenya,” excited na lahad pa ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN