Regine Velasquez thankful to Michelle van Eimereen for her trust

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez admits she is inclined to spoil her four-year-old son, Nate. "Kasi mag-isa lang. Paminsan-minsan na sapat lang, hindi naman yung over the top," she explains.


Sa pagharap ni Regine Velasquez sa press kamakailan, nabanggit niya na “dalawa na ang anak ko.”

Isa pa lang ang anak nila ng mister niyang si Ogie Alcasid Ogie, ang apat-na-taong gulang na si Nate.

Ang tinutukoy ni Regine na isa pang anak ay si Leila, ang 19-anyos na anak ni Ogie sa unang asawa na si Michelle van Eimeren.

Bukod kay Leila, may isa pang anak sina Ogie at Michelle, si Sarah, 16-anyos.

Dumating sa Pilipinas si Leila mula Australia nitong January at maninirahan dito sa loob ng isang taon.

Dito sa Pilipinas isinilang at nanatili hanggang limang taon si Leila bago lumipad sa Australia kasama ang ina at kapatid.

Kwento ni Regine tungkol sa pagdating ni Leila sa bansa, "Parang gusto niyang magpahinga muna from school.”

Pero ang main reason daw nito ay para makapiling nang mas matagal ang ama.

Madalas namang bumisita si Ogie sa Australia, pero iba pa rin daw yung 24/7 silang magkasama.

Sabi pa ni Regine, “Saka mo lang talaga makikilala ang isa’t-isa.

“And she wanted to be with her brother kasi mahal na mahal niya ang kapatid niya.

“And also spend time with me.”


GOOD GIRL. Hindi na raw nila kailangang mag-adjust pa sa isa’t isa, “Kasi I’ve been with her many times,” lahad ni Regine tungkol sa pakikisama kay Leila.

“I lived in their house, she lived in our house.

“We already have a relationship.

“And mabait kasi siya, she’s very easy to be with.

“Alam mo yun, walang masyadong effort, mabait siya sa akin.”

Dahil dalaga na si Leila, "Hindi ko na naabutan yung part na… yung mothering ko hindi na kailangang gamitin," kwento ng Asia's Songbird.

“Ibinilin siya sa akin ng nanay niya, sobrang tina-trust ako ng nanay niya," patukoy kay Michelle.

“And I’m so flattered, I’m thankful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Ikaw ang nanay niya pag nandiyan na siya sa Philippines.’

“So, I feel very happy, not really pressured.

“Natutuwa lang ako na sobrang tina-trust nila ako.

“Meron ako ngayon na parang batang maliit na puwede kong i-spoil without the responsibility of childhood.

“Kasi hindi ko na napagdaanan yun nung maliit siya.”

Kasama ba sa pag-spoil ni Regine kay Leila ang mamahaling gifts

Lahad niya, “Siguro nasa tama rin lang, ayaw mo naman ma-spoil.

“Although, sometimes, you cannot help it.

“Sometimes with my son, kasi mag-isa lang.

“Paminsan-minsan na sapat lang, hindi naman yung over the top.”

Nabigyan na ba niya si Leila ng mga branded items?

“Huwag na, amin na lang yun,” natatawang iwas sagot ni Regine.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa fashion show ng designer na si John Herrera para sa Epson na ginanap sa Shangri-La Mall nuong February 1, Wednesday.

NO REGRETS. Sa sideline ng nasabing fashion event, nabanggit ng PEP kay Regine na isa siya sa itinuturing na fashion icon sa entertainment industry.

Kung ibinuhos nga niya ang oras at panahon sa hilig sa fashion, may sariling clothing business na sana siya ngayon.

Hindi man daw ito nagkaroon ng katuparan, hindi naman daw frustrated si Regine.

Aniya, “I thought of that before, ang atensyon ko lang pagkanta talaga.

“Kahit gumagawa ako ng pelikula, doon pa rin yung atensyon ko.”

Hindi na raw iniisip ni Regine ang bumuo ng isang fashion empire gaya nina Jessica Simpson, Jennifer Lopez at iba pang Hollywood stars.

Kibit-balikat niyang sabi, “Okey naman sa akin yun para hindi na ako mag-work.

“Kasi rin it’s different sa kanila because it’s worldwide.

“Medyo maliit yung market natin, so it’s harder.

“Ayoko nang malaking responsibilidad, nai-stress ako.

“Lalo ngayong dalawa na ang anak ko, okey na tayo doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman doon yung talent ko.


HER OWN STYLIST. Pangarap nga raw ni Regine nung bata siya, “I wanna be a stylist and a make-up artist.

“Kanina, meron akong mineyk-apan na model, pinili ni John Herrera for the pictorial lang.

“So I did her make-up, ganon lang ako, hobby, hindi puwedeng karerin.”

Nasabi na noon ni Regine na hindi niya pinagkakatiwala sa iba ang kanyang makeup.

Paliwanag niya, “Nasanay na rin lang ako na ako yung gumagawa.

“I like it specially when I do a concert, parang that’s my pang-distress.

“Kapag nai-stress na ako, yung makeup parang nagpi-painting ka lang, laru-laro lang.

“And mas tipid kasi wala akong babayaran, hairdresser lang.

“‘Tapos hindi ako masyadong matagal, kasi parang naiinip rin ako dahil ang tagal ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN