Vaness Del Moral happy for former co-star Kylie Padilla

IMAGE Noel Orsal

Vaness Del Moral says she is not yet ready to get pregnant or settle down with her non-showbiz boyfriend. 


Masaya daw si Vaness Del Moral para kay Kylie Padilla sa pagdadalantao nito kahit wala na raw siya Encantadia na pinagsahan nila nang halos isang taon.

Pinadalhan daw agad ni Vaness ng text si Kylie nang malaman niya ang tungkol sa kalagayan nito.

Kuwento niya,“Nababasa ko lang, so tinext ko siya.  Sabi ko, ‘Hi Ky, are you or are you not?’ Ganyan lang.

“’Tapos ang tagal,  siguro mga apat na oras akong naghintay ng reply niya. 

“‘Tapos nag-reply siya, sabi niya, ‘Yes,’ then smiley face. 

"Sabi ko sa kanya, ‘Congratulations! Sige, I'll keep quiet.’"

Hindi ba naiinggit si Vaness na magkakaroon na ng anak si Kylie at posibleng magpapakasal na rin?

"Wala, bakit ako maiinggit?" sagot niya.

May non-showbiz boyfriend si Vaness na katulad niyang taga-Baguio rin.

Dalawang taon na rin daw ang relasyon nila, ayaw pa niyang pakasal?

"Hindi naman sa ayaw, pero it's not yet the time.

“Yung kasal, napag-uusapan yun, pero darating tayo riyan.

“Pareho naman naming gusto pero, siyempre, in time."

Sa auto collection ng isang bangko raw nagta-trabaho ang kanyang non-showbiz boyfriend.

NEW TELESERYE. Ang karakter ni Vaness bilang si Gurna ang isa sa mga naunang namatay na sa primetime fantaseryeng Encantadia ng GMA-7.

May gagawin na kasing ibang teleserye si Vaness.

Makakasama ang aktres sa teleseryeng Impostora na pagbibidahan ni Kris Bernal at ilalagay sa afternoon prime ng GMA-7.

Nagumpisa na silang mag-taping nitong February 3 sa may Agham Road, Quezon City.

Gaganap bilang Krisel si Vaness na kontrabida sa karakter ni Kris na siyang pinakabida sa serye.

Mas gusto ba ni Vaness na sa Impostora na siya?

"Well, kung papatayin ako pero may bagong kapalit, siyempre, mas gusto ko yun.

“Kesa naman papatayin ako, tapos walang kapalit."

Na-miss din daw niya ang drama talaga at hindi fantaserye kahit na kontrabida pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Vaness, "Pagkatapos ng almost one year sa Enca, magta-transition ako sa human naman.

“Pero feeling ko, mahihirapan ako kasi nasanay ang mga tao kay Gurna.

"Parang kailangan namin silang sanayin na hindi na ako si Gurna, ako na si Krizel."

Kinakarir daw niya ang pagiging kontrabida.

"Kasi, mas maraming trabaho, mas tumatatak. 

“Marami nga lang nangba-bash nung nag-Gurna ako.

"Pero yung mga viewers ngayon, hindi na sila katulad ng mga viewers dati na sobrang dinidibdib nila ang character.

“Na feeling nila, hindi ka tao, na ikaw talaga yung pino-portray mong character kaya nagagalit sila."



 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN