RK Bagatsing surprised by Erich Gonzales-Daniel Matsunaga breakup

IMAGE Noel Orsal

"Hayun, wala tayong magagawa, sabi ko, it is what it is," RK Bagatsing commented about the breakup of his Be My Lady co-stars Erich Gonzales and Daniel Matsunaga.


Ikinagulat at ikinalungkot ni RK Bagatsing ang balitang breakup nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Nakasama ni RK ang dating magkasintahan sa pinagbidahang teleserye ng dalawa noong nakaraang taon, ang Be My Lady.

Siya ang gumanap bilang kuya ni Erich sa teleserye.

“Siyempre, nalungkot kami,” sabi ni RK sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng upcoming ABS-CBN teleserye, ang Wildflower, noong Martes, February 7.

Nung nalaman niya ang balita, sabi ni RK, “Una akong nag-reach out kay Daniel kung kumusta na siya.

“Hayun, wala tayong magagawa, sabi ko, it is what it is.

“Maybe not now, if you’re meant for each other, maybe not now, maybe in the future.

“The best thing to do now is to give it some time.”

Medyo hindi raw niya inasahang maghihiwalay ang dalawa.

Sabi pa ni RK, “They’re so okay, kinagulat ko talaga.  Pero alam ninyo naman, pag nakikita ko sila on and off screen, sabi ko nga, di magiging ganun kaganda ang chemisty nila on screen kung di sila okay off screen.

 “Nagulat kami nung narinig namin yun.”

Dahil dito, umaasa raw si RK na maaayos pa ng dalawang Kapamilya stars ang relasyon nila.

 “Magkaaayos sila? Of course, of course. I love them both.”

Kanina lang, February 9, kinumpirma na ni Erich ang balitang hiwalay na sila ni Daniel sa panayam sa kanya ng CinemaNews at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sabi ng dalaga, “It’s true na we’re not together anymore, it’s over.”

Subalit tumangging magbigay ng anumang detalye ang Kapamilya actress tungkol dahilan ng paghihiwalay nila ni Daniel. 


Stories We Are Tracking

Erich confirms breakup with Daniel:
Erich confirms breakup with Daniel: "It's over."
Daniel defends Erich amidst third-party rumor
Daniel defends Erich amidst third-party rumor


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN