PEP FEB-Ibig: Celebrity couples taking a second shot after their split

IMAGE File photos

"Di mo kayang pigilan at di mo kayang pilitin ang love, it just comes naturally." This statement from Gerald Anderson best describes how goes it with former celebrity couples now rekindling their romance.


Posible bang magkabalikan ang dating magkasintahan?

Ito ang madalas na tanong ng marami sa tuwing may mga magkasintahang nagkakahiwalay.

Kadalasan kasi ay nawawala na rin ang pag-asang muli pang mabuo ang nabasag na relasyon.

At may mga dating magnobyo ring tuluyan nang tinapos ang anumang koneksiyon nila sa isa't isa.

Ganito rin ang nangyayari sa maraming celebrity couples na nauuwi sa hiwalayan.

Pero may mangilan-ngilan na hindi naman tuluyang nagsasara ng pinto para sa natapos na pagmamahalan.

Tulad na lamang ng celebrity couples na ito:

JENNYLYN MERCADO & DENNIS TRILLO. Taong 2011 nang lumabas ang kontrobersiyal na hiwalayan ng dalawang Kapuso stars—isang taon mahigit pa lamang halos nang sila ay maging opisyal na magkasintahan.

Sa eksklusibong panayam noon ng YES! magazine kay Jennylyn, inilahad kung paanong nauwi sa pisikalan ang kanilang paghihiwalay.

Read: Jennylyn Mercado opens up about her difficult childhood, her sad romances, and her sudden breakup with Dennis Trillo in a tell-all interview with YES!

Inakala ng kanilang fans na tuluyan nang natapos ang relasyon ng mga iniidolo nila, na tinatawag din nilang DenJen.

Ngunit nabuhayan sila ng loob nang muling magtambal sina Jennylyn at Dennis para sa primetime series ng GMA Network, ang My Faithful Husband.


Hindi nila noon diretsahang inaaming nagkabalikan na sila, ngunit madalas nang nakikita sa kani-kanilang Instagram account ang mga bakasyon nilang dalawa.


Stories We Are Tracking

Dennis on Jennylyn: Nagbibigay ng balance sa mundo ko.
Dennis on Jennylyn: Nagbibigay ng balance sa mundo ko.
Dennis Trillo, Jennylyn Mercado spotted in Batangas
Dennis Trillo, Jennylyn Mercado spotted in Batangas

Sa isang panayam kay Jennylyn noong nakaraang taon, sinabi ng aktres na gusto niyang magpakasal sa susunod na anim na taon.

Ang tugon dito ni Dennis, sa hiwalay na panayam sa kanya, “Wala namang masama sa paghihintay.”

Ngayon ay madalas pa ring nakikitang nagbabakasyong magkasama sina Jennylyn at Dennis.


Stories We Are Tracking

Jennylyn Mercado wants to get married six years from now
Jennylyn Mercado wants to get married six years from now
Is Dennis Trillo willing to wait 6 years for Jennylyn?
Is Dennis Trillo willing to wait 6 years for Jennylyn?

KYLIE PADILLA & ALJUR ABRENICA. Masalimuot ang pagtatapos ng relasyon ng dalawang Kapuso artists noong 2014.

Kung tutuusin, ito ang ikalawang breakup nina Kylie at Aljur.

Ngunit mas pinag-usapan ito dahil sa diumano'y pagkakasangkot pa ng ibang kapwa-artista nila sa pagtatapos ng kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla confirms breakup with Aljur Abrenica
Kylie Padilla confirms breakup with Aljur Abrenica
Aljur mum about alleged involvement in Louise-Enzo breakup
Aljur mum about alleged involvement in Louise-Enzo breakup

Dahil sa mas naging matindi ang sinasabing dahilan ng kanilang breakup, marami ang nag-isip na malabo nang magkabalikan pang muli ang dating Machete actor at Encantadia actress.

Kaya naman ikinagulat ng publiko nang makitang magkasama silang dalawa sa Japan noong November 2016.

Sa panayam ng PEP kay Aljur, sinabi ng aktor tungkol sa pagkakabalikan nila ni Kylie, “Hindi naman siya [pagmamahal] nawala.

We keep our connection together.

Even sa dalawang taon na hindi kami nagkikita, open yung connection namin sa isa't isa.”

Tila mas seryoso na ngayon ang relasyon nina Kylie at Aljur.

Noong nakaraang buwan, magkasabay na inamin na magkasintahan sa PEP ang pagbubuntis ni Kylie at ang kanilang engagement.


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla and Aljur Abrenica are engaged!
Kylie Padilla and Aljur Abrenica are engaged!
It's confirmed: Kylie Padilla is pregnant
It's confirmed: Kylie Padilla is pregnant

BEA ALONZO & GERALD ANDERSON. Kumplikado ang relasyon ng dalawang Kapamilya stars nang mapabalita ang tungkol sa kanila noong 2010.

Na-in love si Gerald kay Bea nang magkasama sila sa isang concert abroad, ngunit kinailangan nilang manahimik tungkol sa namumuo nilang relasyon

Ito ay dahil si Gerald ay nakakabit pa noon sa love team nila ng kanyang dating reel- at real-life girlfriend na si Kim Chiu.

“Short but sweet,” paglalarawan pa ni Gerald sa ilang buwang relasyon nila ni Bea noon.

Matapos ang anim na taon ay nagkasama sina Gerald at Bea sa pelikulang How To Be Yours, na masasabing naging daan para magsimulang muli ang dalawa

Matapos nilang gawin ang pelikula ay napagkikita na sina Bea at Gerald na magkasama pa rin kung saan-saan.

Sa mga panayam sa dalawa, iniiwasan nilang tiyakin ang anumang estado ng kanilang relasyon.

Pero sabi ni Gerald, “Falling in love again? Pag nangyari yun, nangyari yun.

Di mo kayang pigilan at di mo kayang pilitin ang love, it just comes naturally.”


Stories We Are Tracking

Gerald Anderson, Bea Alonzo spotted having babe time
Gerald Anderson, Bea Alonzo spotted having babe time
Bea Alonzo on Gerald Anderson:
Bea Alonzo on Gerald Anderson: "Hindi pa kami."

ZSA ZSA PADILLA & CONRAD ONGLAO. Marami ang natuwa para kay Zsa Zsa Padilla nang mabalita ang tungkol sa relasyon niya sa arkitektong si Conrad Onglao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos dalawang taon din ang itinagal ng relasyon nila na nauwi pa sa engagement.

Pero noong May 2016 ay lumabas ang balitang hiwalay na sila.

Walang ibinigay na anumang detalye ang sinuman sa kanila. Pinili ni Zsa Zsa na maging tahimik at pribado na pagdating sa kanyang love life.


Stories We Are Tracking

Zsa Zsa Padilla breaks silence on split with Conrad Onglao
Zsa Zsa Padilla breaks silence on split with Conrad Onglao
Zsa Zsa Padilla in the process of healing
Zsa Zsa Padilla in the process of healing

Kaya naman magkahalong gulat at saya ang naramdaman ng ilang fans nang makita na masayang ipinagdiwang ni Zsa Zsa ang Pasko kasama si Conrad.

From our family to yours... Merry Christmas!!!

A photo posted by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

Bago pa ito ay kinumpirma na ng entertainment columnist na si Ricky Lo ang pagkakabalikan ng dalawa.

Sa katunayan, nang tanungin kung “forever” nang maituturing ang kanilang relasyon, ang sagot umano ni Zsa Zsa: “God willing!”


Stories We Are Tracking

Zsa Zsa Padilla happy to be reunited with Conrad Onglao
Zsa Zsa Padilla happy to be reunited with Conrad Onglao
Karylle on why mom Zsa Zsa Padilla is blooming nowadays
Karylle on why mom Zsa Zsa Padilla is blooming nowadays

MELAI CANTIVEROS & JASON FRANCISCO. Hindi lang isang beses kundi dalawang beses nagkahiwalay ang dating Pinoy Big Brother housemates.

Ngunit pinag-usapan nang husto ang di pagkakaunawaan ng dalawa noong nakaraang taon dahil sa paglabas ng sama ng loob ni Jason sa social media.

Nasangkot pa sa sinasabing problema nilang mag-asawa ang co-star ni Melai sa I Will Survive na si Carlo Aquino.

Hindi rin nagtagal ay naayos ng dalawang Kapamilya stars ang kanilang relasyon.


Stories We Are Tracking

Jason writes open letter about split with Melai
Jason writes open letter about split with Melai
Melai noncommital about whereabouts of Jason
Melai noncommital about whereabouts of Jason

Naging extra special pa ang pagkakabalikan nilang muli dahil sa announcement nila na magkakaroon na ng kapatid ang panganay nilang si Amelia.

FAILED SECOND ATTEMPT. Kung ang celebrity couples na nabanggit ay naging masaya sa muling pagkakabuo ng kanilang relasyon, sa isang banda ay ang mga dating magkasintahan na nagkabalikan pero nagkahiwalay rin muli at tinuldukan ang dating pinagsamahan.

ANGEL LOCSIN & LUIS MANZANO. Inakala ng fans na sina Angel at Luis na sa huli.

Nagkabalikan sila noong 2014, dalawang taon matapos ang kanilang unang paghihiwalay.

Ngunit hindi pa rin pala happy ending ang kinahinatnan ng kanilang love story.

Muli silang naghiwalay noong nakaraang taon, habang pareho nilang ginagawa ang Pilipinas Got Talent—si Luis bilang host at si Angel bilang isa sa mga celebrity judges.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Luis Manzano says "I love you" to Angel Locsin and other OMG! moments from Pilipinas Got Talent 5


Sa ngayon, nananatiling single si Angel; samantalang si Luis ay in a relationship na sa kapwa Kapamilya star na si Jessy Mendiola.

JESSY MENDIOLA & JM DE GUZMAN. Bago ma-link si Jessy Mendiola kay Luis, naibalik ang pakikipagrelasyon niya sa dating boyfriend na si JM de Guzman.

Taong 2013 nang matapos ang dalawang-taong relasyon ng dalawang Kapamilya stars.

Hindi malinaw noon kung ano ang dahilan ng unang hiwalayan nila.

Ang tanging sabi ni Jessy noon, “Mas minahal ko po yung sarli ko nalang muna.

"Kasi, mahirap din po yung hindi ka nagtitira ng konting pagmamahal sa sarili mo. Yun po!”

Ngunit may usap-usapan na noon na isa sa mga dahilan ng kanilang pagkakahiwalay ay ang pagkalulong ni JM sa masamang bisyo.

Kaya rin sandali siyang nawala sa showbiz ay para magpa-rehab.

Taong 2015, ilang buwan matapos magbalik-showbiz si JM, napabalita ang pagbabalikan nila ni Jessy.

Read: JM de Guzman, Jessy Mendiola rekindle their relationship


Ngunit ilang buwan lamang ito nagtagal at nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Read: Jessy Mendiola finally speaks up about second breakup with JM de Guzman


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN