Kris Bernal confirms Aljur Abrenica's love for Kylie Padilla never waned

IMAGE Kris Bernal's Instagram (main) / Aljur Abrenica's Instagram (inset)

Kris Bernal admits being privy to Aljur Abrenica's love life, especially when they were still a love team: "Hindi na rin kami masyadong nag-uusap ni Aljur, and about sa love life niya, isa lang ang alam ko, alam ko talagang in love na in love siya kay Kylie! Even nung love team kami."


Dahil sumikat dati ang AlKris tandem nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, hiningan namin ng reaksyon si Kris kamakailan tungkol sa nalalapit na pagiging ama ni Aljur.

Buntis ngayon ang girlfriend ni Aljur na si Kylie Padilla.

Pumutok ang balita tungkol sa pagdadalantao ni Kylie ilang linggo pa lang mula nang aminin nilang nagkabalikan sila mula noong naghiwalay sila noong unang bahagi ng 2014, noong mga panahong nagbakasyon sa Australia si Kylie.

Sabi ni Kris, “Nagulat ako, kasi…

“Hindi na rin kami masyadong nag-uusap ni Aljur, and about sa love life niya, isa lang ang alam ko, alam ko talagang in love na in love siya kay Kylie!

“Even nung love team kami.”

PRIVY TO ALJUR'S LOVE LIFE. Inasahan ba ni Kris na mabubuntis agad si Kylie?

Aniya, “Hindi ko naman in-expect, pero kung ganoon talaga ka-deep yung love nila for each other, posible, puwede.”

Nag-o-open up naman daw si Aljur sa kanya tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay ng binata.

Lahad niya, “Yung mga masyadong personal, I guess iyon na yung hindi ko nakuha from AJ.

“Ang alam ko lang pag kinukumusta ko siya, in love na in love talaga siya.”

Sa mga balita na rin lang raw niya nabalitaan ang tungkol sa kalagayan ni Kylie.

“Hindi ko talaga alam,” diin niya.

NO CONTACT WITH ALJUR. Hindi pa raw sila nagkakausap muli ni Aljur noong nakapanayam namin si Kris nitong nakaraang February 3 sa first taping day ng Impostora sa Agham Road sa Quezon City.

“Kasi ayoko muna siyang guluhin, e.

“Kasi for sure, parang bombarded siya ng mga negative comments and mga kung anu-anong sinasabi ng mga tao, so ayoko nang makisawsaw,” paliwanag niya.

HOPEFUL FOR KYLIE'S SHOWBIZ COMEBACK. Nanghinayang ba siya?

May mga nagsasabi na maaapektuhan ang showbiz career nina Aljur at Kylie dahil pagbubuntis ng dalaga.

Amin niya, “Siyempre nanghinayang din ako, tsaka nanghinayang din ako siyempre kay Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero alam ko namang kung gusto pa at kaya pa, feeling ko naman makakabalik at makakabalik.”

Hindi kaya maapektuhan ang career ng dalawa?

“Yun nga, kung gusto pa talaga nila, may paraan naman,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN