Cesar Montano on son Diego Loyzaga's outbursts: "I am hurt."

IMAGE Instagram account of Cesar Montano

Cesar Montano admits that he was hurt by son Diego Loyzaga's recent outbursts on social media.


Bukod kay Dolly Anne Carvajal, kinausap din ni Cesar Montano ang kolumnistang si Shirley Pizzaro tungkol sa pinagdadaanan nito sa anak niyang si Diego Loyzaga.

Si Shirley ay tumatayong tagapagsalita rin ni Cesar.

Inilathala ni Shirley sa column niya sa Manila Bulletin ngayong umaga, February 11, ang naging pag-uusap nila ni Cesar noong Miyerkules, February 8.

Nabanggit ng 54-year-old veteran actor na siya ay nasaktan sa mga pangyayari at sinusubukan lang naman daw niyang tulungan ang anak.

Sabi niya sa kolumnista, “I am hurt. But all I did was try and protect him like any father would.

“He has a problem. There is nothing I want more than to be able to help him.

“I only want what’s best for him. He is my son. I love him.”

Unang naglabas ng saloobin si Diego sa pamamagitan ng social media noong Martes, February 7.

Ito ay matapos siya bantaan diumano ng kanyang ama na ipapadampot siya sa pulis dahil sa diumano'y paggamit nito ng bawal na gamot.

Noong Huwebes naman, February 8, ay ibinahagi ng 21-year-old actor sa Instagram ang panibagong resulta ng drug test na isinagawa sa kanya noong October 2016.

Pinapakita ng nasabing litrato ang resultang negatibo siya sa paggamit ng droga.

Sa panayam naman ni Dolly Anne kay Cesar, sinabi niyang concerned lamang siya sa anak.


Stories We Are Tracking

Cesar Montano just concerned with son Diego
Cesar Montano just concerned with son Diego
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs
Sunshine Cruz reaches out to Diego Loyzaga
Sunshine Cruz reaches out to Diego Loyzaga
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN