Janine Gutierrez on Lauren Young: "Sincere ako na excited akong makatrabaho siya."

IMAGE Noel Orsal

Wala raw naging ilangan sa pagitan nina Janine Gutierrez at Lauren Young sa set ng bago nilang seryeng Legally Blind ng GMA. Parehong naging boyfriend nina Janine at Lauren si Elmo Magalona.


Parehong bahagi sina Janine Gutierrez at Lauren Young ng bagong serye ng GMA, ang Legally Blind.

Dahil pareho silang naging nobya ni Elmo Magalona, hindi naiwasang tanungin ang dalawa kung may effect ba ito sa working relationship nila.

Paano ba in-approach ni Janine si Lauren?

“Ano ba, paano ba? Wala naman pong malaking usapan na naganap. Ano ba ang ginawa ko?

"Hindi ko na maalala e basta sinabi ko lang na, ‘I hope na walang awkwardness at sincere ako na excited akong makatrabaho siya.’

"Ganun, parang mabilisan lang na klaro na wala namang isyu."

Kahit noon pang karelasyon ni Janine si Elmo, hindi raw nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila ni Lauren.

"Hindi naman po, never ko naman po siyang nakakasama.

"Minsan lang sa mga party, pero we’ve always been civil."

Ayon naman kay Lauren, sa familiarity workshop pa lang daw ng serye ay okay na sila ni Janine dahil, in the first place, “Wala namang kalinawan na kailangang maganap, actually.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Janine sa presscon ng Legally Blind noong Sabado, February 11, sa 17th floor ng GMA Network building, Quezon City.

Ipapalabas na ito sa darating na February 20, sa Afternoon Prime ng GMA.

MOVING ON. Apat na buwan na rin ang lumipas simula noong nag-break sina Janine at Elmo, kaya nakapag-move on na raw ang Kapuso actress.

Ni hindi nga raw nila napag-uusapan ni Lauren ang tungkol dito.

Saad niya, “Wala talaga. Actually, nung unang taping day pa lang, wala talaga.

“Naman! Dyusko, opo. Matagal-tagal na din."

Sa ngayon daw, pahinga muna si Janine sa usaping pag-ibig.

Mahirap daw kasing pagsabayin ang career at love life.

“Ayoko po talagang mag-boyfriend muna."

Ayon pa sa kanya, wala raw naging problema kay Janine noong nakarating sa kanya na magkakasama sila ni Lauren sa isang project ng Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ako po, sa totoo lang, alam ko talaga na magaling na magaling na artista si Lauren kasi napapanood ko siya dati."

Ang tinutukoy ni Janine ay ang show na Hiram Na Alaala noong 2014 kung saan nagkasama ang ina niyang si Lotlot de Leon at si Lauren.

“Alam ko na magaling talaga si Lauren dati pa so nung sinabi sa akin na magkaka-work kami, ‘Game!’

“Siguro mas makakatulong nga kung hindi kami magkasundo or medyo awkward kasi ganun yung role namin.

“Unfortunately, magkasundo po pala kami sa totoong buhay, at medyo pareho pala talaga kami ng mga hilig.”

Kaya nakapagpalagayang loob agad sila ni Lauren.

Pagwawakas ni Janine, “We get along, and I’m glad na we’re working together kasi pag kailangan ko medyo ng mas hugot or tulong, pag kinakausap ko si Lauren, nakakatulong talaga.

“So I’m happy na magkapatid kami dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN