Matteo Guidicelli denies "cool off" rumors; says he and Sarah Geronimo are "steady"

IMAGE @matteoguidicelli on Instagram

Matteo Guidicelli on Valentine's Day plan with girlfriend Sarah Geronimo: "It's time to share the love, to spread the love. Pero kung sasabihin ko, masisira na ang plano ko."


Kinumpirma ni Matteo Guidicelli na maayos sila ni Sarah Geronimo sa kabila ng bulung-bulungan na on and off daw ang kanilang relasyon.

Pagmamalaki pa niya, “Ayos naman ang lahat. Cool off, wala naman. Always on, steady on.”

May Valentine gift na ba si Matteo para kay Sarah?

Aniya, “Wala pa nga e pero siyempre mayroon.

“It’s Valentine’s day, it’s time to share the love, to spread the love.

“Pero kung sasabihin ko, masisira na ang plano ko.

“Surprise? Mayroon naman, mayroon, dapat, dapat.”

Samantala, may reaksiyon ang binata sa mga pumuna na nakita raw si Sarah na nanood ng pelikulang Fifty Shades Darker sa isang sinehan sa Greenhills.

Ayon sa aktor, 28 years old na ang girlfriend niya, nasa tamang edad para sa mga ganitong tema ng pelikula.

Sambit ni Matteo, “Bakit? Inosente pa naman pero hindi ten years old, so okay lang.”

Dugtong pa niya, “Ako, di pa nga, so ibig sabihin niyan wholesome ako.”

Nakapanayam si Matteo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Star Magic Thanksgiving presscon noong February 12, na ginanap sa Training Hall A and B sa 13th floor ng ELJ Bldg.

SANA, SANA... Hindi pa rin daw nakukuha ni Matteo nang buo ang loob ng mga magulang ni Sarah, lalo na ang ina nitong si Mommy Divine.

Matipid ang sinabi ng aktor tungkol dito, “Sana okay lang, okay lang naman.”

Pero hindi naman daw nawawala ang posibilidad ng kasal, “Sana, sana, tingnan natin, we’ll see.”

Sa isang banda, tulad din ni Sarah ay nag-enroll na rin si Matteo sa culinary class ng pamosong chef na si Gene Gonzales.

Preparasyon raw ito para sa panibagong restaurant na gusto niyang buksan.

Lahad ni Matteo, “It’s something I really wanted to do, open a restaurant.

“I’m very honored, Chef Gene, I’m one of the scholars din in the program in Cafe Ysabel, and it’s fun.

“Yeah, added skills na lang, we really love to cook, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s cooking now, I am cooking now, so hayun.”

Napatikim na ba ni Matteo ng mga niluto niya si Sarah o naipagluto na ba siya ng Pop Princess?

“Wala pa nga, e, hinihintay ko pa. Ako? Wala pa rin pero mga itlog, mga pasta.”

Samantala, kumpirmado na ang pagbabalik tambalan ni John Lloyd Cruz at ng girlfriend, habang isang horror film naman na may titulong Ghost Bride ang gagawin ni Matteo kasama si Kim Chiu.

Excited daw para sa kanya si Sarah lalo't si Chito Rono ang direktor.

“She’s very supportive, material is very, very nice. I’m very excited for it.

"Especially it’s a horror movie that I’ll be doing and with Direk Chito, that’s what influenced me talaga to do it.

“Very excited din ako kasi the last project na magkasama kami ni Kim was Binondo Girls pa a few years ago.”

“Start kami, I think next month or something. It will be, soon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN