Daniel Padilla prepares Valentine surprise for girlfriend Kathryn Bernardo

IMAGE Allan Sancon

Sa thanksgiving presscon ng Star Magic para sa 25th anniversary nito, naging showy si Daniel Padilla sa pagpapakita ng kanyang sweetness kay Kathryn Bernardo.


May inihandang Valentine surprise si Daniel Padilla para sa girlfriend nitong si Kathryn Bernardo mamaya, sa mismong araw ng Valentine’s Day.

Kasama sa schedule ng aktor ang pag-guest sa concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum.

Panimulang kuwento niya, “Kasi si Vice, may concert sa Valentine’s Day, dadaan muna ako doon. Paplanuhin ko nang malupit ang pambawi ko kay Vice.”

Pero tumanggi si Daniel na sabihin ang pinaplano niya.

"It’s a secret. Sorpresa muna. Hindi ko alam kung paano ko gagawin. Basta, kakayanin ng schedule lahat-lahat, pasok na pasok ‘yan."

Kasama ni Daniel ang real-life at reel sweetheart niyang si Kathryn, na nagsabing, "Bahala na kung ano ang mangyari. Basta, kung walang trabaho…"

Naputol ang sasabihin ni Kathryn nang sumabat si Daniel ng, "Kailangang galingan ko. Kasi para sa lahat ng mga babae, espesyal talaga ang Valentine’s Day sa kanila.”

Walang maisip na sagot si Daniel sa tanong kung ano ang magiging kaibahan ng Valentine’s Day nila ngayon ni Kathryn kumpara noong mga nakaraang taon.

Lahad ng binata, “Siguro ano lang, hihigitan mo lang yung last year, so laging gano'n.”

Samantala, hindi maibahagi ni Kathryn sa press kung ano ang naiisip niyang regalo kay Daniel.

Sabi ng dalaga, “Wala pa. Let see kung ano ang mangyayari sa Valentine’s Day.”

Sa umpisa pa lang ng panayam, kapansin-pansin ang madalas na paghalik ni Daniel kay Kathryn sa ilang bahagi ng mukha nito.

Minsan sa sintido. Minsan sa gilid ng buhok. Minsan sa ulo. Hindi naman ginagawa ni Daniel ito noong nakaraang taon.

Tinanong tuloy ng media si Kathryn kung ano ang nararamdaman niya sa pagiging showy ni Daniel sa nararamdaman nito sa kanya?

Tugon niya, “Siyempre, nakakatuwa yun na hindi ka tinatago dahil vocal, parang malaking bagay yun sa akin at isa yun sa mga…”

Muling naputol ang sasabihin ni Kathryn dahil sumingit ulit si Daniel, “Hindi na nga siya sanay na hindi ko siya inaalalayan. Alam mo yun…ang galing ko rin ‘no? Na-i-spoil ko nang husto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Daniel at Kathryn sa thanksgiving presscon para sa ika-25 anibersaryo ng Star Magic noong Linggo, Feb. 12.

Ang Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, ang siya ring humahawak sa karera nina Piolo Pascual, Jodi Sta. Maria, Enchong Dee, Rayver Cruz, Mateo Guidicelli, Shaina Magdayao, Angelica Panganiban, at iba pang mga malalaking pangalan sa TV at movie industry.

Dumalo rin sa naturang thanksgiving sina Julia Baretto, Janella Salvador, Elmo Magalona, Diego Loyzaga, Ronnie Alonte, at iba pang Star Magic talents.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN