Daniel Matsunaga: "I don't depend on anybody to earn."

IMAGE Noel Orsal

Daniel Matsunag: "I always worked really hard to have what I have today." 


Iginiit ni Daniel Matsunaga na hindi niya kailangang umasa kahit kanino para magkaroon ng pera.

Hindi pa rin kasi tumitigil ang ispekulasyon na posibleng pera ang pinag-ugatan ng paghihiwalay nila ni Erich Gonzales.

Sa parte ni Daniel, una na niyang sinabi na hindi pera ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Nasangkot na rin sa isyu ang kapatid ng aktor na si Vanessa Matsunaga, na nag-post ng mahabang mensahe para kay Erich kung saan hiniling nitong i-address na sana ng aktres ang "money issue."

Inaakusahan kasi ng ibang netizens maging ang pamilya ni Daniel na manggagamit.

Pero sa huling interview ni Erich, wala pa rin itong sinabi tungkol sa totoong rason ng breakup.

Sa halip, naghamon ito na kung siya ay ma-provoke, "I will tell all."


Stories We Are Tracking

Vanessa Matsunaga defends brother Daniel's financial status
Vanessa Matsunaga defends brother Daniel's financial status
Erich confirms breakup with Daniel:
Erich confirms breakup with Daniel: "It's over."

Sa Instagram, muling ipinagtanggol ni Daniel ang sarili.

Aniya, "My relationship was never about money...I always worked really hard to have what I have today and thank God my life is NOT based around money."

Hindi rin daw niya kailangan umasa sa iba para magkaroon ng pera, at nakiusap din ito na huwag siyang husgahan.

“I have respect for myself and I don’t depend on anybody to earn anything cause everything that I have comes from the Lord.

"Do not judge without knowing what happened.

"God bless you, guys.”


Pinagsabihan din ng Brazilian-Japanese model ang dalawang netizens na huwag paniwalaan lahat ng nababasa. Muli, iginiit nitong hindi money issue ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Erich.




Stories We Are Tracking

Vanessa Matsunaga defends brother Daniel's financial status
Vanessa Matsunaga defends brother Daniel's financial status
Erich Gonzales: 'They want me to speak up, I will tell all.'
Erich Gonzales: 'They want me to speak up, I will tell all.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN