Aicelle Santos says she saw signs that Mark Zambrano is "the one"

IMAGE Instagram

Does Aicelle Santos believe Mark Zambrano is finally the one? "May mga senyales from the Heaven, yes, I am praying for that," the singer replied. 


Pangatlong boyfriend na raw ng Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos ang boyfriend niya ngayon na si Mark Zambrano.  

Parehong non-showbiz ang dalawang nauna niyang nakarelasyon.

Ang huling relasyon daw niya ay tumagal ng anim na taon at dalawang taon naman ang pinakauna.  

Halos limang taon bago muling nagka-boyfriend ang Kapuso singer at ito nga ang GMA-7 newscaster na si Mark.

Ang pinakanatutunan daw niya dahil sa pag-ibig ay dapat yung kaloob talaga ng Diyos.

"Dapat may divine intervention. You have to ask for the Lord if he's the right person for you. If He says no, you have to stop."

Naniniwala ba siyang si Mark na nga ang huli at lalaking para sa kanya?

"May mga senyales from the Heaven, yes, I am praying for that," nakangiting niyang sagot.

Sampung buwan pa lang daw ang binibilang ng relasyon nila ni Mark.

Pero ayon kay Aicelle, marami na rin daw siyang masasabing mga romantikong bagay na ginawa ng boyfriend para sa kanya.

"Marami, marami, e, even little things. He's such a gentleman at yung mga ways niya kung paano i-e-express ang pagmamahal para ipakita sa ibang tao, bihira sa lalaki yun ngayon.

"When he posts in Instagram, yung mga ganoong bagay, little things."

Romantic din ba siya?

"Siguro," natawang sagot niya.

Unang Valentine nilang dalawa ngayon ni Mark. Wala naman daw siyang show ngayong Valentine's Day pero, hangga't-maaari raw kasi, ayaw talaga nilang sumabay sa traffic para mag-celebrate nito o kumain sa labas.

Naranasan naman na nilang mag-out-of-town?

"Yes, nag-Singapore kami, yun pa lang naman ang napuntahan naming malayo.  It was a show with Alden Richards, binitbit ko siya at sumegueway na kami ng out-of-town trips.

"Minsan dito lang, with friends din."

Kahit nagkaroon na ng past relationships, nangiti si Aicelle nang tanungin namin kung naranasan na niya ang pangarap niyang Valentine's date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng bagong afternoon prime ng GMA-7, ang Impostora sa Agham Road, Quezon City

"Hindi pa e," natawa niyang sabi.

Ano ba ang pangarap niya?

"Yung candlelit dinner in a shore, naka-barefoot lang kayo, may lanterns, yung ganoon lang."

Natatawa rin si Aicelle nang tanungin ito kung ano ang theme song nila ni Mark.  

"Wala, wala kaming theme song, parang hindi pa napag-iisipan 'yan," sabi niya.

Pero kung may love song siya para kay Mark, ano yun?

"’Make Me Whole’ by Amel Larrieux, yun kasi ang message ng song.  Alam niya yun.  Pero, wala kaming theme song.  Yung song kasi na yun, matagal ko ng paborito.  Wala palang tao na magpi-fit sa song and I think, that's him."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN