Does Maine Mendoza consider Alden Richards as her destiny?

IMAGE Noel Orsal

Asked if she sees herself ending up with Alden Richards, Maine Mendoza smiled and briefly answered, "Pwede po. Naiisip ko naman po siya."


Inamin ni Maine Mendoza na itinuturing na rin niyang “destiny” ang kanyang constant onscreen partner na si Alden Richards.

Well, naiisip ko naman po talaga. Siguro po mga 24 times a day,” pabirong sagot ni Maine sa press conference ng upcoming primetime series nila ni Alden na Destined To Be Yours kagabi, February 14.

Dugtong pa ng Kapuso actress, "Naiisip ko po talaga kasi, una po sa lahat, hindi naman po siguro ako mapupunta kung hindi rin naman po kami nagkakilala ni Alden.

Lahat talaga yan, destiny.”

Nakikita din ba ni Maine na magkakatuluyan sila ni Alden sa totoong buhay?

Matipid ngunit nakangiting sagot ni Maine, “Pwede po. Naiisip ko naman po siya.”

What if Alden and Maine are destined for each other?

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Halos ganito rin ang naging sagot ni Alden sa parehong tanong ng press.

Hindi po nawawala sa isip namin yung what if,” sagot ng aktor.

Gayunman, paglilinaw ni Alden, “Wala naman pong pressure. Kumbaga, ine-enjoy lang po namin 'yong moment namin together especially ito, may bago na naman po kaming offer sa mga fans, sa mga sumusuporta.

Ito lang po, enjoy pa more lang po muna.”

Tiniyak din ng binata na totoo ang anumang nakikita ng fans na gawi nila ni Maine sa isa't isa.

We just let life play along. We just ride with it po,” aniya.

Kasi, we live in the industry po where there are a lot of pressure, a lot of demands, a lot of clamor.

Kumbaga, if we don't feel like doing things that we don't wanna do, we just let it be po, e.

Parang nagpapakatotoo lang po talaga kaming dalawa ni Maine.

Wala po kaming... Pinapakita po namin kung ano kami sa isa't isa at kung ano po talaga kami bilang mag-partners.

I guess, 'yon din po ang minahal ng mga tao sa amin, we're keeping it real.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN