Koreen Medina to AlDub fans: "Peace tayo."

IMAGE Noel Orsal

Koreen Medina appeals to fans of Alden Richards and Maine Mendoza: "Gusto ko lang iparating sa kanila na this teleserye is a gift from Alden and Maine to their fans. So mas maganda kung suportahan na lang nila 'yong series. Mag-focus na lang tayo sa positive."


Napatunayan na raw ni Koreen Medina kung gaano kalakas ang suporta ng fans kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Hindi pa man nagsisimula kasi ang GMA primetime series na Destined To Be Yours, inuulan na ng negatibong reaksiyon ang social media account ng newbie actress.

Ang karakter ni Koreen ang magiging karibal ni Maine sa serye.

Panimula ng beauty queen, “Na-experience ko na po siya, hindi pa nag-i-start yung series. It just proves na ibang klase magmahal ang fans nila, parang they’re gods and goddesses sa kanila.

“I think that’s a good thing kasi… Gusto ko lang iparating sa kanila na this teleserye is a gift from Alden and Maine to their fans.

“So, mas maganda kung suportahan na lang nila ‘yong series. Mag-focus na lang tayo sa positive,” sabi ng 21-year-old Kapuso star sa press conference ng Destined To Be Yours noong gabi ng Martes, February 14.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters kay Koreen, sinabi niya na sa simula pa lang, “Sinabi kaagad sa akin na, ‘Handa ka bang ma-bash?’

“Kami naman na nag-audition po, sobrang magandang opportunity ito, e, like to showcase your talents.

“And iba ‘yong fan base nina Alden and Maine. “

Dagdag pa ng StarStruck Batch 6 finalist, “Hindi ko ma-put into words yung awe ko sa happiness.

“Una, nag-audition ako and then call back. Sumunod, sinabi nila sa akin na I got the role.

“Hindi nila alam na umiyak ako sa sobrang happiness kasi unti-unti kong nakukuha ‘yong dreams ko, nagagawa ko yung passion ko talaga.”

Noong dumami raw ang negative comments tungkol sa kanya, isa si Maine sa mga nagpakita ng pag-aalala sa kanya.

Magkasama sa tent sina Koreen, Maine, at Sheena Halili.

Kuwento ni Koreen, “Napag-usapan naman po naming saglit [ang pamba-bash], parang nagkatuwaan pa nga po na, ‘Hala…’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ni Koreen, “Lahat naman po ng co-star ko po…Hindi naman maiiwasan na hindi magugustuhan ka.

"So ang lagi nilang sinasabi sa akin, ‘Huwag mo nang basahin. Huwag mo nang pansinin ‘yong mga negative. Focus on the positive na, ito malapit na, mag-e-air na tayo.'

“Sobrang nakaka-excite na, ‘My gosh, mapapanood ako every night.’ Parang goosebumps every time na maiisip ko ‘yon.”

GOOD RELATIONSHIP WITH ALDUB. Kung siya naman daw ang tatanungin, wala siyang anumang masamang masasabi tungkol sa lead stars ng Destined To Be Yours.

Aniya, “Sobrang wala kayong masasabing mali kay Alden and Maine, lalo na kay Maine kasi magkasama kami sa tent e so talagang chikahan lang kami.

“Okay po kami kasi alam naman nila na kapag trabaho, trabaho talaga.”

Hangga’t maaari, ayaw na raw ni Koreen magpaapekto sa mga nababasa niya sa social media.

Aniya, “As long as alam ko po naman na hindi totoo ‘yong sinasabi nila, what will happen po, di ba. So parang dedma. Peace tayo."

Sa katunayan, “Natuto akong i-off yung notification ko sa Instagram and Twitter kasi, wow, sumasabog po sila.

“Ibang klase po talaga ‘yong love nila kay Alden and Maine.

“To the point na, ‘Guys, it’s just work. Hindi pa nag-u-umpisa, please?’”

ALDEN AND MAINE’S MESSAGE TO FANS. Samantala, sa press conference, hiningan ng PEP sina Alden at Maine ng mensahe para fans upang maiwasan ang pagbibigay ng negatibong comment sa kanilang mga nakakatrabaho.

Ani Alden, “This is our job. This is a way for us actors to make the story thicker than it is.

“Hindi naman po ibig sabihin na if there's a love triangle in a soap opera, there's something happening off cam.

“Napakalaking misconception po kasi niyan, especially in soap operas, e.

“Gusto ko po naming iparating na ito pong set ng Destined To Be Yours, lahat po kami dito is one big family, wala po kaming pulitika with each other, wala po kaming ginagawa on and off cam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We just want them to know na we're doing this for the fans, for the supporters who waited for Destined To Be Yours to happen.”

Sa parte naman ni Maine, ang maiksing mensahe niya sa fans, “Siguro po, wala na lang personalan po. Kasi, sabi nga po ni Alden, trabaho po ito lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN