No "I love yous" yet between Benjamin Alves and Julie Anne San Jose

IMAGE Noel Orsal

Walong buwan nang nagdi-date sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose pero hanggang ngayon ay "exclusively dating" pa rin daw ang estado ng kanilang relasyon.


Isang simpleng breakfast date lamang ang pinagsaluhan ng "exclusively dating" couple na sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose nitong nakaraang February 14.

How's your Valentine's Day so far mga Kapuso?

A post shared by Benjamin Alves (@benxalves) on

Beautiful morning: @benxalves

A post shared by Julie Anne San Jose (@myjaps) on

Inilahad ni Benjamin ang Valentine plan nila ni Julie Anne noong Lunes, February 13, isang araw bago ang Valentine’s Day.

Sabi ng binata, "Tom[orrow], we have work in the morning and after that ‘till noon, wala po kaming gagawin. So somewhere in the area."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Benjamin sa renewal of contract nito bilang GMA Network Excellence Awad (GNEA) ambassador.

Read: Benjamin Alves renews contract as GMA Network Excellence Award ambassador

My favorite distraction

A post shared by Julie Anne San Jose (@myjaps) on

“Maganda naman po kami ni Julie, wala naman po kaming expectations na engrande basta po mahalaga na magkasama kami.”

The most beautiful part of me is you.

A post shared by Benjamin Alves (@benxalves) on

Ayon pa kay Benjamin, espesyal daw ang Araw ng mga Puso para sa kanila dahil ito ang una nilang Valentine.

Aniya, "We’ll make sure na it's special and because marami naman po sumusuporta sa amin, we’ll make sure na we will share it maybe on Instagram. Hindi naman po namin dapat itago po yun.

"Hindi naman po kami nagtatago, e. Kung may kailangang aminin tomorrow, hindi naman po namin itatago yun."

ILYSB

A post shared by Julie Anne San Jose (@myjaps) on

Halos walong buwan na silang nasa "getting-to-know-each-other" stage pero hanggang ngayon ay wala pa rin daw sila sa estadong gawin nang pormal ang kanilang pagtitinginan.

Sabi pa ni Benjamin, "As a couple, wala pa po kaming dapat iamin na ganun. We’ll just count the days that we were together, but as a far as a couple, like I said, we’ll make sure that everybody knows.

"I don’t think na kailangan ko itago."

Dagdag pa ng 27-year-old Kapuso actor, "worth the wait" daw sa halos limang taon niyang pagiging single ang pagdating ni Julie Anne, 22, sa kanyang buhay.

Ang kinikilig pang sambit ni Benjamin, “Mabait, sobrang mabait, sobrang understanding sa trabaho po namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun naman po ang masaya sa aming dalawa e na wala masyadong expectations, walang pabigat.

"We continue to to inspire each other. We build each other up.

"It’s very healthy for two people na magkaroon ng conflict or tampuhan. Naayos naman din po kaagad."

NO ‘I LOVE YOU’ YET. Sa ngayon, hindi pa raw sila nagsasabihan ni Julie Anne ng "I love you.”

Kuwento ni Benjamin, "I would not step over boundaries na wala pa naman dapat.

"Kalakaran sa showbiz na itinatago ang relasyon kahit halatang halata na. Aamin lang ang mga ito kapag naghihiwalay na."

Diretsong tanong namin kay Benjamin, baka naman aamin lang sila ni Julie Anne kapag naghiwalay na?

Dito naman ay medyo kumambiyo si Benjamin.

Sabi niya, "Hala. Yeah, it happens. We felt sad when we hear people na nagbi-break up kasi it’s hard.

"Ang hirap ng ganun, e. You will hope everyone na laging masaya, yung nabubuong relationship nila to last.

"Basta kami ni Julie, we’re just happy that the tandem that we shared together is special and it’s memorable.

"We will not get into something na mag-i-end lang pala sa separation.

"So kung may aaminin man siguro, mauuna po yung aaminin namin na kami, huwag naman yung nag-end kaagad.

"Usually, yes. They have their reasons. I think kung kami masusunod, wala namang kailangang itago."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN