Teresa Loyzaga shows support for son Diego amid word war with dad Cesar Montano

IMAGE Mark Atienza

Teresa Loyzaga is hopeful that things will eventually work out well between her son Diego and his dad Cesar Montano, amid the former's recent online rants: "Kinakaya niya dahil nandito ang pamilya niya, ganun lang yun. I think that is really the best, and we know the time will come when things will get better."

 


Buo ang suporta at pagmamahal na ibinibigay ni Teresa Loyzaga sa anak niyang si Diego Loyzaga, sa kabila ng away na namamagitan kay Diego at sa ama nitong si Cesar Montano.

Lumikha ng ingay at kontrobersiya ang sunud-sunod na matatapang at maaanghang na posts ni Diego laban sa ama dahil sa bintang diumano nito na gumagamit siya ng pinagbabawal na gamot, bagay na agad din namang binigyang linaw ni Diego nang i-post niya ang ilang ulit na pagpapa-drug test na pawang negative naman ang resulta.

Read: (UPDATED) Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano: "SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!"

HOPEFUL. Sa kabila ng mabigat na pinagdadaanan sa ngayon ng anak, naniniwala ang aktres na maaayos din ang lahat.

Lahad ni Teresa nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang Linggo sa set ng ASAP, “Kinakaya niya dahil nandito ang pamilya niya, ganun lang yun.

“I think that is really the best, and we know the time will come when things will get better.

“At least, for now let’s let things settle, let it take its course and let’s look forward to better things.”

Hiningan din namin ng reaksyon si Teresa sa naging pahayag ni Cesar na ginawa niya lang ito out of concern sa anak nila.

Pero umiwas magbigay ng sariling pahayag tungkol dito ang aktres.

Pakiusap niya, “I’m sorry, I don’t want to be mean, but I think we will have our time to speak and then we will just take it from there.”

Sa usapin naman tunkol sa drugs, naniniwala si Teresa na ginawa ng anak ang pagpapa-drug test para na rin sa sarili nitong kapakanan.

Aniya, “I think Diego, what he did is for himself. This is for himself.”

POSITIVE OUTLOOK. Sa huli, ang hiling pa rin ng aktres ay ang pag-aayos ng lahat at ang positibong pananaw na marami pang magaganda ang puwedeng mangyari sa pagitan ng mag-ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro bigay na lang natin kay Diego yun, especially this moment, we were advised not to talk about it.

“We’ve said more than enough.

“Again, let’s hope and wish for better things, better times together later on.

“Let’s just focus and look at the good thing and then the good thing will come.

“Let’s stop looking at the negative things.

“Let’s just go for the good things and hope for the better things to come.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN