Koreen Medina contemplates joining Binibining Pilipinas

IMAGE Noel Orsal

For all her accomplishments as beauty queen and actress, Koreen Medina is hoping to be acknowledged as a singer as well. "Bata pa lang po ako, kumakanta na ako. Someday po siguro, I would be able to show them my love for singing," she relates.


Kahit pareho sila ng family name, hindi raw sigurado ang beauty queen-turned-Kapuso actress na si Koreen Medina kung magkamag-anak sila ni Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina.

Aniya, “Siguro I need to check with our other relatives, baka somehow related kami ni Maxine.

“It would be nice malaman ko na distant relatives kami.”

Bilang Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific International 2013, ni-represent ni Koreen ang Pilipinas sa Miss Intercontinental pageant na ginanap sa Magdeburg, Germany, noong taong iyon.

Dito ay nahirang siyang Miss Intercontinental Queen of Asia and the Pacific at 3rd runner-up.


Lahad niya, “The winner that year was Miss Russia and my co-runners-up were Miss Colombia, Miss Puerto Rico, and Miss South Africa.

“I guess I was lucky po to get a spot at the Top 5… I really did my best to represent our country.

“Pero ang pinakaimportante is that I made my family proud of me.” 

May nag-e-encourage daw kay Koreen na sumali ng Binibining Pilipinas pageant. Pinag-iisipan pa raw niya ito.

Paliwanag niya, “Nakaka-pressure po kasi ang sumali ng beauty contest, lalo na po at Binibining Pilipinas na ‘yan.
    
“Sa totoo lang po, first pageant ko yung Mutya ng Pilipinas.

“Nag-walk-in lang po ako dahil sa pag-push sa akin ng lola ko.
    
“Hindi ko inasahan na mananalo ako at mapapadala ako sa Germany.
    
“Kaya pinag-iisipan ko po nang husto ang pagsali ulit.

"Happy naman po ako ngayon doing TV shows."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Koreen sa press conference ng GMA-7 primetime series na Destined To Be Yours, sa B Hotel sa Quezon City, noong February 14.

NOT EASY. Ayon kay Koreen, hindi madaling rumampa sa entablado at makipaglaban sa ibang beauty queens mula sa iba't ibang bansa.

“Akala lang po nila madali, pero nandoon po parati ang kaba at nerbiyos.  

“Lalo pagdating na sa Q&A portion, hindi mo kasi alam ang itatanong sa iyo, tapos nasa harap ka pa ng napakaraming tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya yung naramdaman na kaba ni Maxine during the Miss Universe, naramdaman ko rin po iyon.

“Yung parang hihimatayin ka na sa gitna ng stage sa nerbyos!” natatawang sabi ng 21-year-old former beauty queen.

Naalala pa raw ni Koreen ang final question sa kanya, same question daw na tinanong noon kay Miss Universe 1997 Brooke Lee of Hawaii, U.S.A.: "If there were no rules in your life, for one day, and you could be outrageous, what would you do?"

Lahad ni Koreen, “Una pong pumasok sa isipan ko na outrageous was to talk to my mother.

“Since I was four years old po, naghiwalay na ang parents ko and kaming apat na magkakapatid ay lumaki sa lola namin.

“So I wasn’t able to ask my mom ano ba ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay.

“Bakit naging produkto kami ng isang broken home?

“Para po sa akin, outrageous na yung i-confront ko ang mother ko to ask what happened to our family.”
    
Noon daw ay gusto pang mabuo ni Koreen ang pamilya nila.

Pero ramdam niyang may kanya-kanya nang buhay ang mga magulang niya.
    
Saad niya, “Nag-move on po sila. My mom has her own life now, pati ang daddy ko.
    
“But we get to see and talk with our mom kapag may time siyang bumisita sa amin.
    
“Noon po, may itinatago akong galit sa mommy ko, pero nawawala rin pala iyon.

“Now, we’re like best friends na.”

SHOWBIZ CAREER. Sumali si Koreen sa reality-based artista search na StarStruck 6 at ito ang naging dahilan kung bakit siya naging isang artista.

Bago ang Destined To Be Yours, lumabas na siya saJuan Happy Love Story, Maynila, at Dear Uge.
    
Kung may isang talent daw na gustong ipakita ni Koreen, ito ay ang pagkanta.
    
Nag-audition at naging contestant siya sa Pilipinas Got Talent noong 2011 at sa The Voice Philippines noong 2013.
    
“Singing po ang naging talent ko kung bakit ako nakapasok sa StarStruck.
    
“It has always been my dream na maging isang singer, bata pa lang po ako, kumakanta na ako.
    
“Pero sa ibang field of entertainment ako napupunta, like sa pageant at showbiz.
    
“Someday po siguro, I would be able to show them my love for singing,” asam ni Koreen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN