Benjamin Alves can't wait to introduce Julie Anne San Jose to his family in Guam

IMAGE Noel Orsal

Benjamin Alves on introducing Julie Anne San Jose to his parents: "Kung nandito lang po yung mga parents ko, nagawa na po namin yun at naipakilala ko siya sa parents ko. But they're in Guam, e, so sana po maipakilala ko."


Updated daw ang buong pamilya ni Benjamin Alves sa Canada tungkol sa mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Maging ang tiyuhin niyang si Piolo Pascual ay aware sa sitwasyon nila ni Julie Anne San Jose, bagamat hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong maipakilala ni Benjamin ang nobya kay Piolo.

Sabi ng Kapuso actor, “Busy naman si Kuya PJ, pero up-to-date naman po ang buong pamilya ko.

“Basta po hindi naman nawawala ang communication namin ni Kuya PJ.”

Alam ni Piolo na girlfriend na ni Benjamin si Julie Anne?

“Girlfriend?” at tumawa si Benjamin na tila nagtatanong.

Ayaw niya bang may label na agad si Julie Anne bilang GF niya?

“Hindi naman po sa ayaw, pero hindi naman po kailangang magmadali,” paglilinaw niya.

Noong May 2016 pa sila very close ni Julie Anne, bakit wala pa rin silang inaamin?

Paliwanag ni Benjamin, “Kami naman po, wala namang rush…

“Also that time, hindi naman constant ang communication namin, hindi naman po katulad ngayon na almost every day po kami nagkikita.”

Magkasama sina Benjamin at Julie Anne sa Kapuso afternoon drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Patuloy niya, “Sabi nga po nila, kailangan makilala mo po yung tao mabuti.

“At makikilala mo lang siya pag every day na kayo nagkikita, kung papaano ba siya pag pagod na or puyat na.”

WHAT’S THE REAL SCORE? That time na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa presscon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa noong January 16 ay wala siyang inaming opisyal na relasyon nila ni Julie Anne.

“Basta po kung ano po… si Julie po, siya lang naman po yung focus ko ngayon, and yung show namin,” sabi niya.

May mutual understanding o MU na ba sila?

“Dating, dating,” tugon ni Benjamin.

Pero malinaw na hindi pa niya girlfriend si Julie Anne?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po,” sambit niya.

Hindi rin siya boyfriend ng Kapuso singer-actress?

Ayon kay Benjamin, “Wala pa po tayo sa ganung labeling at para po sa aming dalawa, parang…

“Hindi naman po sa pagiging modern, ‘coz I think we’re still very traditional, kaya nga po sa bahay po ako dumadalaw and things like that.

“Hindi naman po parang dahil wala kaming label na pagala-gala po kami, hindi naman po kami ganun.

“Parang I don’t want people to think na we’re liberated in that sense.

“Pero siya lang naman po talaga ang dinadalaw ko sa bahay, siya lang po yung kausap ko.

“Basta po ang importante, yung meron po kaming ganung commitment.”

MEET THE PARENTS. At ipinakilala siya ni Julie Anne sa mga magulang ng dalaga, at importante iyon para sa singer-actress.

“Opo,” pagsang-ayon ni Benjamin.

Si Benjamin ang unang lalaking nakapunta sa bahay nila Julie Anne para ipakilala sa mga magulang nito.

Pahayag ng aktor tungkol dito, “Knowing na malaking bagay po sa kanya na makuha po yung blessing ng parents niya.

"And ganun din naman po ako, sana po kung nandito lang po yung mga parents ko, nagawa na po namin yun at naipakilala ko siya sa parents ko.

“But they’re in Guam, e, so sana po maipakilala ko.”

Anong blessing ang ibinigay sa kanila ng mga magulang ni Julie Anne?

“Na mag-usap, you know.”

Kailangan pa nila ng blessing para mag-usap lang?

Paglilinaw ni Benjamin, “I mean, like I said, wala naman po kaming rush na, ‘A, approved na kami, kailangan na naming…’

“Wala naman po kasing ganun, e.

“We’re still very much still getting to know each other, marami pa pong… iyon nga, hindi pa po niya nakikilala ang parents ko.”

Gusto rin naman daw ni Julie Anne na makilala ang mga magulang ni Benjamin sa Guam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro sa ngayon po, masyado busy po kami, masyado pong maaga.

“Ang laking bagay po kasi nung pareho kayong magkasamang magta-travel, e.

“Parang marami pa po kaming kailangang pagdaanan.

“Pero wala naman po akong nakikita na hindi mangyayari iyon.

“So, sana po, sana po.

“Excited lang po ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN