Is Kiray Celis dating model-actor Kirst Viray?

IMAGE Instagram photo of Kirst Viray

Kiray Celis makes netizens feel envious because of her Valentine date, hunky model Kirst Viray.


“Ginalingan. May nanalo na.”

Ito ang reaksiyon ng karamihan ng netizens nang makita nila ang mga larawan ng young comedienne na si Kiray Celis kasama ang kanyang Valentine date—ang fashion model at newbie actor na si Kirst Viray.

Nagsimula ito noong Valentine's Day, kung kailan nag-post si Kiray ng black-and-white photo ni Kirst na may hawak na white rose.

Sa caption, sabi ng Goin' Bulilit alumna: “Kaya pala ang tagal.. May pa bulaklak! Napagod daw siya. PAANO? Eh hindi naman ako mahilig sa bulaklak. Valentines day diba? Bat pang New year tong outfit mo? HAHAHAHAHA!”

Kinumpirma naman ni Kirst sa kanyang Instagram kinabukasan na naka-date nga niya si Kiray.

Sa larawan nilang dalawa na magkasama, sinabi ni Kirst sa caption: “My date last night. @kiraycelis yung slippers natin ha asahan ko. #valentinesdate”

My date last night. @kiraycelis yung slippers natin ha asahan ko.???????? #valentinesdate

A post shared by Kirst Viray (@kirstviray) on

Matapos ang ilang araw, isang video birthday greeting naman ang ipinost ni Kiray sa kanyang Instagram account para kay Kirst.

Sa isang bahagi ng kanyang mensahe, sinabi ng dating I Love You to Death actress, “Patuloy mo pang mahalin ang pamilya mo. Dahil yan ang pinaka gusto ko sayo. At pangako, sa susunod na bigyan moko ulit ng bulalak.... HINDI KO PARIN TATANGGAPIN! HAHAHAHA! See you when you get back, VIRAY. Love KIRAY! HAHAHAHA! ??????”

Dahil dito, hindi naiwasan ng ilang followers ni Kiray na iugnay sa kanyang Instagram posts ang Twitter posts niya na tila patungkol sa pag-ibig:

Sinuri pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Twitter posts ng 21-year-old Kapamilya actress para alamin kung paano nagsimula ang pagiging malapit niya kay Kirst.

Nakita namin ang isang tweet ng blogger na si Oreo kay Kiray tungkol sa umano'y bagong ka-love team ng huli noong January 23.

Sumagot si Kiray at ipinakita pa niya ang larawan ni Kirst.

Tanong ng blogger kay Kiray: “Anong ganap nyo jan?”

Sagot ni Kiray: “Indie film by direk brillante mendoza po. :)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN