Joshua Garcia pressured by comparisons with John Lloyd Cruz and Alden Richards

IMAGE Andreena Elinon

Joshua Garcia on his current success: "Ramdam na ramdam ko po. At masaya po ako, sobra. Ang tagal kong hinintay ito, e. Ang gaganda ng mga projects ko. Ang gaganda ng mga dumadating, sa mga roles pa na mas sakto sa akin. Perfect timing lang po talaga."


Mas nakakaramdam daw ng pressure ngayon ang Kapamilya heartthrob na si Joshua Garcia matapos magtala ng magandang box-office result ang Vince, Kath & James sa Metro Manila Film Festival 2016.

Isa si Joshua sa mga bida sa pelikula, kasama sina Julia Barretto at Ronnie Alonte.

Sa gitna ng nararamdaman niyang kasiyahan, mas lalo raw siyang napi-pressure sa kasalukuyan.

Pahayag ni Joshua, “Masaya kasi marami ang nag-a-appreciate ng ginagawa mo.

“Pero at the same time, nakaka-pressure kasi yung mga susunod pa, nag-i-expect pa na mas gagalingan mo pa. Parang nag-level up.”

Nakakaramdam din daw ng pressure si Joshua sa mga nagsasabing kumbinasyon siya ng mga sikat na artista na sina John Lloyd Cruz at Alden Richards.

Marami ang nakapansin ng malaking pagkakahawig umano ni Joshua kina John Lloyd at Alden sa pelikula nitong Vince, Kath & James.

May mga ngiti at galaw raw si Joshua, pati na ang pananalita nito, na hawig sa dalawang nabanggit na big stars.

Nakangiting reaksiyon dito ni Joshua, “Aminin na natin, mahirap talaga yun.

“Unang-una, napakagaling ni John Lloyd.

“Siguro… sobrang nakaka-pressure nai-compare ako kay John Lloyd.”

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni John Lloyd na hindi siya kasing galing ni Joshua noong nagsisimula pa lang siyang umarte.

Nagpasalamat naman si Joshua sa sinabi ng iniidolong aktor. 

Komento niya, “Talaga? Thank you, Kuya John Lloyd, nasasabi niya yun. Thank you sa kanya.

“Sobra akong napi-pressure kasi yung expectation ng tao talaga, pag sinabing John Lloyd, ang galing nun, e. Baka hindi ko magawa yung gusto nila. 

“Para sa akin, kung ano na lang ang ibinibigay ko, sila na lang ang bahala.”

Pagdating naman sa pagkukumpara sa kanya kay Alden, sabi ni Joshua, “Ang guwapo ko po kung ganun! Thank you.”

Hindi na nagpaka-humble pa si Joshua at sinabing nararamdaman na niya ang kasalukuyang tagumpay sa showbiz.

Saad niya, “Opo, ramdam na ramdam ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At masaya po ako, sobra. Ang tagal kong hinintay ito, e.

“Ang gaganda ng mga projects ko. Ang gaganda ng mga dumadating, sa mga roles pa na mas sakto sa akin.

“Perfect timing lang po talaga.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa pinakahuling thanksgiving presscon para sa 25th anniversary ng Star Magic, na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN compound.

THE NEXT JOHN LLOYD? Ano ang reaksiyon niya sa nagsasabing siya raw ang susunod sa yapak ni John Lloyd?

Ayon kay Joshua, “Gusto ko. Gusto kong sumunod sa yapak niya.

“Pero sana makilala ako ng mga tao na Joshua, kasi sobrang ikakasiya ko yun.

“Iba kasi talaga si Kuya John Lloyd, e. 

“Kapag sinasabi, speechless na lang ako.

“Nakakahiya sa kanya na sinasabi ng mga tao na ako yung next John Lloyd. 

“Nakakahiya sa kanya, e. Ako mismo ang nahihiya.

“Kapag nakikita ko siya, nahihiya ako sa kanya.”

Napag-uusapan ba nila ni John Lloyd ang tungkol sa komento ng mga tao na siya raw ang susunod sa yapak nito?

“Naku, hindi ko po maio-open yun sa kanya!” bulalas ng young actor.

“Hindi po namin napag-uusapan yun. 

“Kanina, nagkita po kami. Tinanong ko sa kanya kung napanood niya yung movie [Vince, Kath & James].

“Sabi niya, oo. Tapos sabi niya, ‘Pag-usapan natin 'yan pag may oras tayo.’”

Aminado si Joshua na sa bawat project na ibinibigay sa kanya ngayon, may effort siyang galingan ang kanyang trabaho, lalo’t umaasa ang mga tagasubaybay niya sa husay na kanyang ipapakita.

“Kailangan kong galingan,” sambit niya. 

“Sa lahat ng bagay, kailangan kong galingan, kasi baka mamaya, pag hindi ko ginalingan, wala na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN