Is Richard Juan dating Miss Universe Thailand 2016 Chalita Suansane?

IMAGE @namtanlitaa / @richardjuan on Instagram

Maraming netizens ang kinilig sa Instagram post ni Miss Universe Thailand 2016 Chalita Suansane kung saan kasama niya sa larawan si Richard Juan. Hinala ng marami, nililigawan ng Chinese-Filipino TV personality ang Thai beauty queen. 


Marami ang kinilig sa Instagram post ni Miss Universe Thailand 2016 Chalita Suansane kagabi, February 20.

Makikita sa larawan na kasama niya ang Chinese-Filipino actor-model-TV host na si Richard Juan.

Finally we meet again ???????????????????????? @richardjuan #chaling #npnfamily

A post shared by Chalita Suansane (@namtanlitaa) on

Kasalukuyang nasa Thailand si Richard para sa Wonderfruit Festival doon.

Ayon naman sa ilang mga nagkomento sa post ni Chalita, bagay raw sila ni Richard.

Samantala, wala mang post si Richard sa kanyang profile, may mga inilagay naman itong pictures at videos nila ni Chalita sa Instagram stories niya.






Isa rito ay may heart emoji pa.


May mga in-upload din ang Thai beauty queen na videos at larawan nila ni Richard sa kanyang Insta stories.




Nagkakilala sina Richard at Chalita sa Miss Universe 2016 na ginanap sa Pilipinas nitong January 2017.

One of the crowd favourites for #MissUniverse, @namtanlitaa!

A post shared by Richard Juan (@richardjuan) on

Pagkatapos ng pageant, sinabihan daw niya si Chalita na pupunta siya ng Thailand ngayong Pebrero.

Wala pang sagot sina Chalita at Richard sa kanilang followers sa Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN