John Lloyd Cruz addresses issues on Angelica Panganiban and Ellen Adarna

by Bernie V. Franco
Feb 22, 2017
John Lloyd Cruz addresses the issue about his alleged reconciliation with Angelica Panganiban and being linked to Ellen Adarna. 

Sinagot ni John Lloyd Cruz ang dalawang isyung kinasasangkutan niya ngayon.

Una, kung nagkabalikan ba sila ng dating girlfriend na si Angelica Panganiban.

Pangalawa, kung idine-date ba niya ang kanyang Home Sweetie Home co-star na si Ellen Adarna.

“No” ang parehong sagot ni John Lloyd sa dalawang isyu.

Idinaan ni John Lloyd ang kanyang sagot sa mga isyung ito sa pamamagitan ng kanyang handler na si Neneth Rustia, na nag-forward ng mga tanong sa aktor.

Umere ang ulat sa late-night program ni Boy Abunda na Tonight With Boy Abunda nitong Martes, February 21.

Lumutang muli ang balitang nagkabalikan diumano sina John Lloyd at Angelica nang lumabas sa social media ang larawan nilang magkasama sa isang art fair sa Makati City noong nakaraang linggo.

Tiniyak naman ni John Lloyd sa Star Magic presscon noong nakaraang linggo na “very good friends” sila ni Angelica.

Kinumpirma ng aktor ang paghihiwalay nila ni Angelica noong 2016, matapos ang apat na taong relasyon.

Continue reading below ↓

Lumabas naman ang balitang nagkakamabutihan umano sina John Lloyd at Ellen nang mag-post ang aktres sa Instagram ng picture nila ng aktor.

Nitong February rin ay itinanggi ni Ellen na may namamagitan sa kanila ni John Lloyd.

Magkakilala na raw sila ng aktor mula nung high school pa lang siya sa Cebu.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz addresses the issue about his alleged reconciliation with Angelica Panganiban and being linked to Ellen Adarna. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results