Mocha Uson answers tirades of Edgar Allan Guzman and Ogie Diaz

IMAGE Cyrus Panganiban for YES! / Noel Orsal

Sinagot ni Mocha Uson ang mga birada sa kanya nina Edgar Allan Guzman (kanan) at Ogie Diaz sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ngayong araw, February 22.


Sinagot ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) board member Mocha Uson ang mga patutsada sa kanya nina Edgar Allan Guzman at Ogie Diaz.

Ito ay kaugnay ng naunang pahayag ni Mocha sa kanyang video blog hinggil sa "malalaswang eksena" umano sa ABS-CBN programs na Ipaglaban Mo at The Better Half na ipinalabas sa telebisyon.

May sinabi rin ang dating sexy star na mga "basurang programa" na patungkol sa mga palabas sa telebisyong naglalaman ng maseselang eksena, katulad ng rape scene at love scene na napanood sa dalawang shows ng ABS-CBN.

Bumuwelta ni EA hinggil sa pagtawag ng dating sexy star na "basura" umano ang ginawa niyang episode ng ABS-CBN drama anthology na Ipaglaban Mo, kung saan may rape scene.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ngayong Miyerkules, February 22, nilinaw ni Mocha ang mga puntong inihain ni EA sa kanyang Instagram post noong Lunes, February 20.

Ayon sa MTRCB board member, "Wala akong sinabing basura ang programa mo o ang acting mo.

“Sana pinanuod mo muna yung FB LIVE ko bago ka nagsalita.

"Ipinalabas ang 'rape scene' ng Ipaglaban Mo na hindi ni-review ng MTRCB dahil may tinatawag na SELF-REGULATION ang TV NETWORKS na aking tinututulan.

“Noong ipinalabas ang 'rape scene' na yun ay nagkaroon ng NEGATIBONG REAKSYON ANG MGA MANUNUOD at kanilang tinawag ang aking pansin bilang board member ng MTRCB.

“Ang tanong ng mga magulang/manunuod ay kung paano ito nakalusot sa MTRCB at naipalabas sa TV dahil ang violent rape scene na ito ay hindi naaangkop sa kabataan.”

Pinaalalahanan din ni Mocha ang aktor na bago sana ito nag-react ay pinanood muna nito ang kanyang FB live video.

“Mayroon tayong tinatawag na TV/MEDIA RESPONSIBILITY kung saan ang TV Networks ay dapat accountable sa kanilang mga ipinapalabas na programa at dapat isaalang-alang ang kapakanan ng mga manunuod lalo na ang mga kabataan. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At dahil may MTRCB, responsibilidad ng ahensya na ito na proteksyonan ang mga kabataan mula sa mga hindi angkop na eksena/programa sa TV pati na rin sa pelikula.

“So sana bago ka mag react dyan pinanuod mo muna ng mabuti ang fb live ko.”

“IKAW ANG UMAYOS.” Tila hindi rin nagustuhan ni Mocha ang paghahalintulad ni Edgar Allan sa episode na ginawa nito sa Ipaglaban Mo sa dalawa niyang lumang pelikula na may temang kaseksihan.

Sabi ni Mocha, “ISA PA, babanggitin mo pa ang dalawang seksing pelikula na ginawa ko noon at ikukumpara mo sa programa mo sa Telebisyon. PARA SA KAALAMAN MO MAGKAIBA ANG PELIKULA AT TELEBISYON.

“Hindi basta-basta nakakapasok ang bata sa Sinehan. Yung pinagtatanggol mo ay Programa sa TV na nasa oras yan kung saan napapanuod ng mga mga bata 12 years old pababa.

“Wala akong isyu sa acting mo. Ang isyu dito ay proteskyonan ang mga batang nanunuod. WALANG PERSONALAN."

Nilagyan pa niya ito ng mga sumusunod na hashtags: #IkawAngUmayos #DoYourResearch ABS-CBN ABS-CBN News.”

Dagdag pa ni Mocha: “At Mr Edgar Alan kung gusto mo ng konting RESPETO sa mga artistang Pilipino baka gusto mo din konting RESPETO din sa mga batang manonood.”


Stories We Are Tracking

Edgar Allan Guzman hits back at Mocha over
Edgar Allan Guzman hits back at Mocha over "basura" remark
Ogie Diaz slams Mocha Uson on charges in her video blog
Ogie Diaz slams Mocha Uson on charges in her video blog
Mocha Uson roasts ABS-CBN, MTRCB members in video blog
Mocha Uson roasts ABS-CBN, MTRCB members in video blog

SHOWBIZ REPORTER. Samantala, hindi rin pinalampas ni Mocha ang birada sa kanya ng showbiz reporter at comedian na si Ogie Diaz.

Matatandaang sinabi ni Ogie na dapat daw ay aralin ni Mocha ang kanyang posisyon sa MTRCB bago ito magsumbong sa kanyang followers, na mas kilala sa tawag niyang “ka-DDS.”

Sa kanyang FB post, hindi direktang pinangalanan ng MTRCB board member si Ogie, kundi tinawag niya itong "showbiz reporter."

Buwelta ni Mocha, “Isa pa itong SHOWBIZ REPORTER sabi niya bakit daw SEXY lang ang issue ko sa TV.

“FYI Mr. SHOWBIZ REPORTER hindi lang po sexy ang issue ko nagkataon lang kabisado ko ang SEXY SCENES sa mga pelikula at programa dahil dati akong sexy artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko po kung nagpapatigas lang ng kalamnanan ng tao o kasama talaga sa istorya ang isang seksing eksena.

“WAG NA TAYONG MAG LOKOHAN. Minsan gusto lang mag ka issue ang isang programa para pag-usapan at mas mabenta ito sa manonood. Hindi mo kailangan ng degree para malaman kung ang isang eksena ay may intension palibugin lang ang viewers.

“Pasensya na kayo yan ang past role ko sa mga pelikula kaya alam ko yan. Kaya diyan ako naka-focus. Pero hindi ko sinasabi yan lang ang dapat sitahin.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN