Gretchen Ho to clarify rumored split with Robi Domingo soon; Robi being linked to Sandara Park

IMAGE Instagram (@gretchenho)

Gretchen Ho tweets about rumored breakup with Robi Domingo: "Don't believe everything you read or hear." 


Nagpaabot ng mensahe si Gretchen Ho, sa pamamagitan ng social media, kaugnay ng napapabalitang breakup nila ng boyfriend na si Robi Domingo.

Ilang linggo nang usap-usapan ang diumano’y paghihiwalay nina Robi at Gretchen, subalit naging tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa isyu.

Ngunit sa tweet ni Gretchen nitong Miyerkules, February 22, tiniyak ng dalaga na magsasalita rin siya sa nalalapit na panahon.

Pakiusap ng volleyball player-turned-TV host, huwag paniwalaan ang lahat ng naririnig o nababasa.

“Please don't believe everything you read or hear. Will clarify soon enough. Just give us time. Thanks.”

ROBI & SANDARA? Samantala, may isyu ngayong nililigawan diumano ni Robi ang K-Pop star na si Sandara Park. 

Sa episode ng Tonight With Boy Abunda nitong Martes, February 21, sinagot ni Sandara ang isyu.

Sagot ng dating miyembro ng 2NE1, "Friends kami. He's very mabait na kaibigan."

RIGHT TIME. Bago matapos ang Enero, lumabas ang balitang hiwalay na umano sina Robi at Gretchen.

Sa interview, matipid ang sagot ni Robi.

Sinabi niyang “okay” sila ni Gretchen at magsasalita siya sa tamang oras.

Ganito rin ang hiningi ni Gretchen via tweet pagpasok ng February: time, respect at prayers.

Lumabas ang balitang nagkakamabutihan sina Gretchen at Robi noong 2012.

Inamin ni Gretchen ang relasyon nila ni Robi noong 2013.


Stories We Are Tracking

Gretchen Ho tweets amid rumored breakup with Robi Domingo
Gretchen Ho tweets amid rumored breakup with Robi Domingo
Robi Domingo speaks up about rumored split with Gretchen Ho
Robi Domingo speaks up about rumored split with Gretchen Ho

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN