Albie Casiño sees no point in talking to ex-girlfriend Andi Eigenmann

IMAGE Noel Orsal

Albie Casiño on recent encounter with ex-girlfriend Andi Eigenmann: "Being civil is different from being okay. Like, I'm just a civil person."


Hindi pa raw handa si Albie Casiño na makatrabaho o makasama sa isang proyekto ang ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann.

Pahayag niya, “Work is work. I need to put food on the table and stuff like that.

“But if they ask, I’d rather not. I mean, ayokong maging weird sa set…

“Ayokong sabihing weird but it’s, like, I’m not gonna pretend there’s no history, di ba?”

Nilinaw rin ni Albie ang balitang okay na sila ni Andi nang magkita sila sa isang okasyon.

Aniya, “Being civil is different from being okay. Like, I’m just a civil person.”

Ayaw naman nang magsalita sa sinabi ng half-brother ni Andi na si Gabby Eigenmann na nagkausap na raw sila ng dating girlfriend at naplantsa na ang anumang gusot sa pagitan nilang dalawa.

Sabi ni Albie, “I have totally moved on from that.

“Di ba, parang, yun na nga, nasabi na lahat, nabanggit na lahat. Ano pang sasabihin ko?”

Malaki ang naging epekto ng kontrobersiya nila ni Andi sa papausbong na showbiz career noon ni Albie.

“Of course, parang na-derail siya nang konti.

“Nag-hiatus ako for a while, for a long time, I lost a lot of work.

“Maraming naka-line up sa akin nun, e, natanggal lahat, naudlot.”

Hindi raw sapat na makapag-usap sila ni Andi para mabura ang anumang epektong naidulot ng isyu sa pag-aakusa sa kanya noon ng aktres na siya ang ama ng anak nito.

Giit ni Albie, “Kahit anong gawin niya, hindi mababalik yung nangyari. Parang there’s no point.”

Pero paglilinaw niya, “Matagal na akong walang galit.

“Kasi anong gagawin ko, magagalit lang ako. 

“Hindi naman siya o-okey kung galit ako, ako rin lang ang masisira kung galit ako.”

LUKSO NG DUGO. Mula nang magsilang si Andi hanggang sa lumaki ang bata, wala raw naramdaman si Albie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala talaga, yung lukso ng dugo, wala talaga.

“Pag nakikita ko siya [Andi’s daughter], nakakalimutan ko nga, e.

“Yun, pag nakakarinig ng side comments pag nasa labas ako na, ‘Yan yung tatay ng anak ni Andi.’ 'Ay, oo nga pala, meron pala akong isyu!'

“Nawawala talaga sa akin yung issue.

“Even before ako ma-vindicate, hindi talaga siya pumapasok sa utak ko.

“You’re never one-hundred-percent sure with anything but it’s, like, ‘I don’t think it’s mine.’”

Nang mabanggit si Jake Ejercito, ang biological father ng anak ni Andi at sa posibilidad na pag-uusap nilang dalawa, mabilis ang naging komento at reaksiyon ni Albie.

Aniya, “I don’t care less about that guy. I have anything to do with him.

“Anong point? Anong sasabihin ko sa kanya? Wala naman akong sasabihin sa kanya.”

Pag nagkita sila sa isang lugar, ano kaya ang magiging reaksiyon niya?

“Wala, deadma,” kibit-balikat na tugon ni Albie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN