Tim Yap opens up about his engagement to Javi Martinez Prado

IMAGE Tim Yap Instagram

Tim Yap on boyfriend Javi Martinez Prado: "I think I've discovered an unconditional love because of my partner. He's been really supportive me all throughout. Because he's so pure that I have decided na suklian yun."


Nagkuwento si Tim Yap kaugnay sa engagement proposal na ginawa niya para sa kasintahan niyang si Javi Martinez Prado.

Nag-trending sa social media ang marriage proposal ni Tim sa kasintahan na naganap sa 40th birthday celebration niya noong Enero.

Unang inilabas sa Instagram ang proposal ni Tim kay Javi mula sa social media accounts ng mga kaibigan niyang dumalo sa nasabing party na ang theme ay Miss Universe.

Kasagsagan noon ng Miss Universe fever na ginanap dito sa Pilipinas.

Makikita sa video ang tilian ng mga bisita nang biglang umakyat sa entablado si Tim, nagsalita, lumuhod, at saka binuksan ang hawak nitong maliit na kahita o box na naglalaman ng singsing.

Still can't believe this happened. #TYuniverse

A post shared by Tim Yap (@officialtimyap) on

Ayon kay Tim, “It’s one of those days… you know, I was thinking for a long time, but I just decided to do it that day.

“I did it on my birthday, you know, parang post-New Year.

“I really wanna take it to the next chapter.”

Ayon kay Tim, matagal na silang magkasintahan ni Javi.

“Mga close to three to four years.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tim sa fashion show ng designer na si John Herrera para sa Epson, na ginanap sa Shangri-La Mall, Mandaluyong City.

THE PROPOSAL. Ano ang naging turning point at nagdesisyon siyang mag-propose kay Javi?

Pahayag ni Tim, “Parang I realized na when you met somebody na parang sobrang selfless, everything is really for you.

“And I think I’ve discovered an unconditional love because of my partner.

“He’s been really supportive me all throughout. 

“Because he’s so pure that I have decided na suklian yun.”

Matagal niya bang pinag-isipan yung proposal?

“I kept it to myself. Hindi ko naman talaga siya pinag-isipan. 

“I kept it to myself and maybe I said to one or two of my friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, that day lang, meron akong ipinagdasal, humingi ako ng signs, at binigyan ako ng sign.

“Ipinagdasal ko lang sa sarili ko. Ipinagdasal ko sa sarili ko na should I do or not? 

“E, ibinigay sa akin yung sign.”

May iba ba siyang ibang pinagsabihan bago niya ginawa ang proposal?

Ayon kay Tim, “Wala akong pinagsabihan, they didn’t know.

“But when I was in my party, I told Anne [Curtis] lang at that moment. 

“So, I’m thinking of doing it.”

Ibig sabihin, talagang handa na siya sa proposal?

“Yeah, meron na akong hinanda.”

Marami ang nagulat sa ginawang proposal ni Tim. Marami rin ang hindi nakakaalam na may boyfriend pala siya.

Saad niya, “Ako naman, I’ve always been very private with my personal life.

“So, I can talk about my work, my career, my entrepreneurial ventures anytime.

“I find it not so… at least not talking about my personal life because I kept it private for such a long time.

“And actually, this is the only time I’m talking about it.”

THE WEDDING. Kailan nila planong magpakasal? Saan ang venue?

Ayon kay Tim, “No plans yet, we’re still checking the dates and what’s gonna happen.

“How are we gonna do it, if it’s going to be private. If it’s gonna be abroad or party here. Mga ganun.

“We’re thinking possibilities pa.”

Ibabahagi niya ba ito sa publiko at ipapa-cover niya sa media?

“I don’t know. I haven’t thought of how it’s gonna be.

“I still don’t know how are we gonna do it. Hindi ko naisip yung coverage.”

Hindi pa makapagbigayn ng detalye si Tim tungkol sa mangyayaring seremonya, pero gusto niyang limitahan ang iimbitahang guests.

“For now, it’s gonna be really intimate. 

“Kasi I do big parties all the time. Maybe for this time, I’m gonna keep it small.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN