Kathryn Bernardo gushes about Marian Rivera's beauty: "She's so perfect."

IMAGE Instagram photos from Juan Sarte and John Valle

Kathryn Bernardo could not help but comment and praise Marian Rivera's beauty. In 2010, Kathryn portrayed the young Marian in the Kapuso primetime series Endless Love


Hindi napigilang purihin ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo ang Kapuso star na si Marian Rivera dahil sa kagandahan nito.

Nag-post ang celebrity make-up artist na si Juan Sarte sa kanyang Instagram account ang larawan ni Marian.

Nagkomento rito si Kathryn at sinabing: “She’s so perfect tito juan!”


Ikinatuwa naman ng fans ni Marian ang gesture na ito ni Kathryn.


Isang self-confessed fan nina Marian at Dingdong Dantes si Kathryn.

Matatandaang gumanap si Kathryn bilang young Marian sa GMA primetimes series na Endless Love noong 2010.

Naging bridesmaid din si Kathryn sa kasal nina Marian at Dingdong noong Disyembre 2014, subalit hindi nakarating ang Kapamilya star dahil sa prior commitment nito abroad.

Sa kabila nito, nagdesisyon si Marian na huwag tanggalin si Kathryn sa kanyang entourage kahit maaga itong nag-abiso na hindi makakarating sa wedding. Nauunawaan umano niyang prayoridad nito ang trabaho.

Sabi ni Marian patungkol kay Kathryn, “Love ko 'yung bata na 'yon dahil napakabait talaga nun.”

Marian #inmymakeupchair

A post shared by Juan Sarte III (@juansarte) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN