Kiko Estrada reacts to friend Diego Loyzaga's rant against dad Cesar Montano

IMAGE Noel Orsal

Kiko Estrada on undergoing a drug test: "Bakit ka naman magpapa-drug test kung hindi ka nagda-drugs, di ba? Siguro kapag pinag-compulsory ako, magpapaganun ako. Pero wala pa namang nagtatanong. For me, I don't do it, so why do it?"


Bilang pareho silang anak ng mga artista, nauunawaan daw ni Kiko Estrada ang pinagdadaanan ngayon ng kanyang kaibigan na si Diego Loyzaga.

Si Kiko ay anak ng aktres na si Cheska Diaz sa dati nitong nakarelasyong aktor na si Gary Estrada.

Si Diego naman ay anak ng singer-actress na si Teresa Loyzaga sa actor-director na si Cesar Montano.

Pareho rin sina Kiko at Diego na lumaki sa poder ng kanilang mga ina.

Ngunit nakangiting sabi ni Kiko, “But I’m okay, okay ako sa tatay ko.”

May pinagdadaanan kasi ngayon si Diego sa ama nitong si Cesar, na humantong pa sa pagpu-post ng binatang aktor sa social media ng kanyang hinanakit sa ama.

Read: Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano: "SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!"

Para kay Kiko, may karapatan si Diego na ilabas kung ano ang nararamdaman nito ngunit hindi na raw dapat nito idinaan sa social media.

Saad niya, “He has the right to feel what he feels.

“Ang sa akin lang naman siguro, as a friend, ia-advice ko siya na huwag yun ilabas sa social media.

“But it happens. May mga tampuhan sa pamilya.

“But, at the end of the day, yung pamilya dapat magkadikit-dikit at dapat talunin ang problemang yun, for me.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko sa mediacon ng horror film na Pwera Usog noong Martes, February 21.

KIKO AND HIS DAD. Inamin ni Kiko na nagkaroon na rin sila ng tampuhan ng kanyang ama, lalo na noong bata pa siya.

“Oo naman, noong bata siguro ako.

“Siyempre, kapag birthdays at hindi nakarating, medyo tampo. Pero may rason naman.

“Lately, masaya ako para sa kanya sa Alyas Robin Hood.

“Sana magkatrabaho kami dahil longtime dream ko na magkatrabaho kami.”

Ang isa pa niyang wish ay magkakaroon na ng katuparan dahil magkakasama sila ng kanyang tiyuhin na si Joko Diaz sa upcoming telefantasya na Mulawin vs Ravena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Joko ay nakababatang kapatid ng ina ni Kiko na si Cheska. Sina Joko at Cheska ay mga anak ng yumaong character actor na si Paquito Diaz.

Ayon kay Kiko, “Nabigay na yung sa isa dreams ko dahil magkakasama kami ni Uncle Joko sa Mulawin.

“Si Papa na lang ang gusto kong makatrabaho.”

May nagtanong kay Kiko kung hindi ba siya sinasabihan ng papa niya na mag-undergo rin ng drug test, gaya ng ginawa ni Cesar kay Diego.

Natatawang sagot niya, “Hindi naman kasi ako nagda-drugs kaya walang reason.”

Ibig niyang sabihin, kapag nagpapa-drug test, nagda-drugs?

Paglilinaw ni Kiko, “Bakit ka naman magpapa-drug test kung hindi ka nagda-drugs, di ba? 

“Siguro kapag pinag-compulsory ako, magpapaganun ako. Pero wala pa namang nagtatanong.”

Dugtong pa niya, “For me, I don’t do it, so why do it? 

“I don’t wanna join the issue and be famous just because I submit and, ‘Hey, I’m drug-free.’

“I’m a low-profile kind of person.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN