Kathryn Bernardo supports planned project to pair Daniel Padilla with Sarah Geronimo

IMAGE Instagram @thessgubi / Screengrab from ASAP

Kathryn Bernardo is again asked about relationship status with Daniel Padilla. Her reply is again neither here nor there: "Alam ninyo na yun, paano ba dapat mag-react? E di tanungin ninyo na lang uli siya… pero alam ninyo na yun."

 


Suportado raw ni Kathryn Bernardo ang ka-love team niya na si Daniel Padilla kung saka-sakaling matuloy ang tambalan nito at ng Pop Royalty na si Sarah Geronimo sa isang pelikula.

Nag-trending kasi sa social media ang duet nina Sarah at Daniel sa ASAP XX nung nakaraang Linggo, February 19.

At mismong si Daniel ang nagbalita na kinausap daw niya ang Star Magic head na si Johnny Manahan na gusto niyang gumawa ng project katambal si Sarah.
  
Reaksiyon ni Kathryn, “Oo nga daw, e. Ako din, gusto ko siyang maka-work kasi fan ako ni Miss Sarah Geronimo.

“Kung magkaroon siguro sila ng project together with or without me, support na lang natin.

“Kasi gusto niya yun and para magbigay din tayo ng ibang opportunity.

“Cute naman din if ever na mangyari, big fan ako ni Ate Sarah.
   
“Nahihiya? Nai-starstruck siya, feeling ko.”

Huling napanood sa telebisyon sina Kathryn at Daniel sa remake ng seryeng Pangako Sa 'Yo.

Ngayon ay nagte-train na sila para sa seryeng La Sangre Luna.

Bahagi niya, “Kailangan namin maging ready physically… bago siya sa akin so kailangan kong aralin. 

“Nakaka-excite kasi habang nagte-train ka, ine-explain sa iyo kung para saan yun.

“Yung creatives pinaghandaan nila, ewan ko kung umabot ng  more than a year.

“Kasi ang tagal na nitong project na ito at masasabi ko mas okay na mag-air tayo pag ready tayo.”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Kathryn sa introduction ng new faces ng Ponds Beauty Council.

Ginanap ito nung Miyerkules, February 22, sa BGC Arts Center, Maybank Theatre.

Isa rin sa nakasama sa naturang event ay si Nadine Lustre na nauna nang naging endorser ng naturang produkto.

Komento ni Kathryn, “Hopefully, magkaroon kami ng campaign together with this brand that we both love.

“I’m very excited sa mga future projects namin together, to  help all the girls out there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Abangan lang nila kasi marami pang puwedeng mangyari.”

Tulad ng campaign theme ng brand, maraming pagbabago raw ang nagaganap kay Kathryn sa ngayon.

“Change sa maraming bagay… yung growth ko as an actress, sa mga mature and more challenging roles for me.

“As a person I feel more independent now compared before.

“Basta tine-take ko lang yung time ko, I don’t wanna rush things.

“Important, natututo  tayo sa growth and change na yun.”
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN