Sofia Andres reveals being there when Diego Loyzaga had breakdown: "Umiiyak siya, he's really hurt."

IMAGE @iamsofiaandres on Instagram

Sofia Andres counters bad boy image of Diego Loyzaga, attesting, "I know him… I can prove to you, guys, na mabait siyang tao."

 


Nasaksihan daw ni Sofia Andres ang pag-breakdown ni Diego Loyzaga dahil sa pinagdaanan nito dahil sa kanyang amang si Cesar Montano.

Read: (UPDATED) Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano: "SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!"

Ayon sa kuwento ni Sofia, “Makikita po talaga na nasasaktan siya. 

“Noon ko lang ko po siyang nakitang ganon, umiiyak siya.

“Nagkikita po kami sa work, doon ko po nakikita yung depression niya.  

“He’s really down, he’s really hurt, sobrang matagal na pong kinimkim no'ng tao.

“Ngayon ko lang po siya nakitang gano'n, I can’t blame him kung ano yung mga nagawa niya.”

Matatandaang noong nakaraang taon, hiningi ni Cesar Montano sa anak na sumailalim sa drug test.

Ginawa naman daw ito ni Diego nang limang beses, na ayon sa kanya ay negative ang resulta.

Si Cesar ay kasalukuyang head ng Tourism Promotions Board sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Stories We Are Tracking

Sofia Andres defends Diego Loyzaga on drug-use allegation
Sofia Andres defends Diego Loyzaga on drug-use allegation
Diego Loyzaga ends rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga ends rants about dad Cesar Montano
Diego tweets he is not accepted, loved by his father
Diego tweets he is not accepted, loved by his father
Cesar Montano hurt over son Diego's outbursts
Cesar Montano hurt over son Diego's outbursts

Tinanong ng reporter na ito si Sofia kung yung nakita niyang pag-iyak ni Diego ay nangyari bago ito nag-post sa Instagram ng rant tungkol sa tatay niya?

“After po,” tugon ni Sofia.

“Nandito po ako sa kanya palagi.

“I’m here to remind him kung ano yung dapat niyang gawin.

“I’ve always supported him, ‘Kumusta ka na, how are you?’ 

“Mas okay kami pag in person, e. Mas naiintidihan namin ang isa’t isa. 

“Pag text, hindi namin makontrol kung ano yung pinag-uusapan.

“Pero alam po niya na I’m always praying for him.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sofia noong February 21, sa presscon sa Valencia Events Place ng lalabas niyang suspense-horror flick na Pwera Usog under Regal Films.

ON ALLEGED DRUG USE. Isa sa mga nakikita raw na rason ni Sofia kung bakit nagkaroon ng impression na nagdudroga si Diego ay ang biglaang pagpayat nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He lost weight,” aniya.

“Sabay po kaming nagi-gym nun, e. 

“And then palaging nakikita niya sa Instagram na ‘nag-a-addict ka na naman.’

“Nahu-hurt po siya talaga, yun po palagi ang ina-accuse sa kanya ng tao.

“I can prove to you, guys, na mabait siyang tao.”

Dito ay mariing ipinagtatanggol ni Sofia si Diego sa mga paratang dito.

Pagpapatunay niya, “Mabuti po talagang tao si Diego.

“Mali yung image na basagulero, laging nakikipag-away, addict. 

“I really know him.”

Paano siya naapektuhan sa pinagdaanan ni Diego?

“Siyempre po, pag mahal mo po ang isang tao, kung ano yung problema ng isang tao, problema mo na rin. 

“I’m strong,  I’m here for him...pinalalakas ko ang loob niya.

“Hindi kami dapat parehong weak kasi walang mangyayari sa amin.”

PROJECT. Sa kabilang banda, isang heavy drama project raw ang ginagawa nina Sofia at Diego ngayon sa ABS-CBN kung saan ka-love triangle nila si Enzo Pineda.

Tungkol naman sa kanyang career, wala raw sa plano ni Sofia ang magpa-sexy.

Isa pa, hindi raw pabor si Diego.

Kuwento ng young star, “Nagalit po siya no'ng nagpakita ako ng cleavage ko.

“Sabi niya, ‘Sofia i-delete mo 'yan.’”

Sinasabing magkasintahan ang dalawa pero hindi pa sila diretsahang umaamin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN