Lani Mercado, Jolo Revilla react to arrest of Senator Leila De Lima

IMAGE Courtesy of Jolo Revilla and Leila De Lima on Facebook / Gorgy Rula (Lani Mercado)

Cavite Vice Governor Jolo Revilla and Bacoor Mayor Lani Mercado give brief statements regarding the recent arrest of Senator Leila De Lima.


Nagbigay ng pahayag ang asawa at isa sa mga anak ni Senator Bong Revilla tungkol sa pag-aresto kay Senator Leila de Lima ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR).

Nadakip ito noong Biyernes, February 24, dahil sa drug-related charges.

Kasalukuyang mayor ng Bacoor, Cavite si Lani Mercado, habang vice governor naman ng Cavite si Jolo Revilla.

Parehong dumalo ang dalawa sa isang pro-Duterte gathering na ginanap ngayong araw, February 25, sa Quirino Grandstand.

JOLO'S REACTION. Isang maikling komento lang ang binitiwan ni Jolo sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

Aniya, "Of course, this is her time to prove that she's innocent, di ba?

"So siguro sa korte na lang siya magpaliwanag."

LANI'S REACTION. Samantala, ang pahayag ni Lani sa isyu ay, "I'm praying for her."

Dagdag pa ng mayor, "All I can say is, at least ngayon, nararamdaman din niya kung ano nangyari kay Sen Bong [Revilla], kay Sen Jinggoy [Estrada], at kay Sen [Juan Ponce] Enrile."

Nitong Biyernes, February 24, nauna nang nagbigay ng pahayag si Bong tungkol sa pagkakaaresto ng senadora.

Magtatatlong taon na rin simula noong i-detain sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center ng Camp Crame sina Bong at Jinggoy dahil sa pagkakadawit nila sa pork barrel scam.

Si De Lima ang tumayong justice secretary noong mga panahon na iyon sa ilalim ng administrasyon ng dating Pangulong Benigno Aquino III.

Read: Bong Revilla, Katrina Ponce-Enrile react to Sen. Leila de Lima's arrest


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN