Barbie Forteza on Kiko Estrada's admission: "It's too late to be vocal."

IMAGE James Patrick Anarcon / Noel Orsal

Barbie Forteza says Kiko Estrada's latest admission about his feelings for her is too late: "Parang kahit gaano man namin pag-usapan, tapos na, e. Parang ngayon, ayaw ko muna."


Nagulat daw si Barbie Forteza sa pag-amin ng ex-boyfriend niyang si Kiko Estrada na mahal pa rin niya ang teen actress.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling entertainment reporters si Barbie sa Forest House Café sa Baguio City kaninang tanghali, February 25, natawa ang Kapuso actress nang mabanggit sa kanya ang pahayag ni Kiko.

Natatawang sabi ng aktres, “Wow, sana na-realize niya iyon.”

Saka naging mas seryoso ang tono nito at sinabing ayaw na sana niyang pag-usapan ang ex-boyfriend.

Subalit maging siya ay nagulat din daw sa biglang pagiging vocal ni Kiko sa feelings nito para sa dalaga.

Paliwanag niya, “Hindi, ano naman yun e, as much as possible, ayaw ko nang pag-usapan.

“Pero nagulat din ako na ganun siyang ka-vocal bigla na kung kailan nawala at saka siya naging sobrang vocal.”

Matatandaang July 2016 nang aminin ni Kiko na nagdi-date sila ni Barbie.

Makalipas ang isang buwan, nag-break ang dalawa.

Sa pagpapatuloy ni Barbie, “too late” na raw si Kiko kahit pa naging vocal ito sa pagmamahal nito sa kanya.

“Ewan ko, kasi parang para sa akin, it’s too late to be vocal about it.

“Parang kahit gaano man namin pag-usapan, tapos na, e.

"Parang ngayon, ayaw ko muna.”

Matatandaang noong February 21, sinabi ni Kiko sa PEP na mahal pa raw niya ang ex-girlfriend.

Nabanggit din ng binata na hindi raw niya alam kung paano niya nasaktan si Barbie dahil siya raw ang nakipag-break.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa Baguio si Barbie kasama ang kanyang Meant To Be leading men na sina Addy Raj, Ken Chan, Ivan Dorschner, at Jak Roberto para sa Kapuso Panagbenga Festival ngayong February 25 to 26, 2017.


Stories We Are Tracking

Kiko Estrada on Barbie Forteza:
Kiko Estrada on Barbie Forteza: "I still love her."
Kiko Estrada admits Barbie Forteza broke up with him
Kiko Estrada admits Barbie Forteza broke up with him
Barbie Forteza moves on from breakup with Kiko Estrada
Barbie Forteza moves on from breakup with Kiko Estrada


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN