Seryoso si Arnell Ignacio sa hamon niya kay Jim Paredes na mag-debate, kahit anong oras at saan.
“Kilala niyo ako. Kahit saan niyo ako ilalagay, haharap ako,” pahayag ni Arnell nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dzRH nitong Linggo ng gabi, February 26.
Ayon kay Arnell, kaya siya naghamon kay Jim na makipagdebate o magharapan ay dahil hindi raw dapat ang mga batang miyembro ng Duterte Youth, o mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pinagsisigawan ng dating miyembro ng APO Hiking Society.
Kaugnay ito ng naganap na engkuwentro sa pagitan ni Jim at ng maliit na grupo ng Duterte Youth na pumunta sa selebrasyon ng ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution noong Sabado, February 25.
Read: Jim Paredes confronts Duterte supporters at EDSA anniversary rally
“Si Atty. Bruce Rivera, ako, o kaya si Oropesa, para hindi naman yung parang durog na durog naman yung pinagsisigawan mo dun, at tuwang-tuwa ka pa na hindi nakasagot sa ‘yo,” pahayag ng actor-TV host.
Ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa ay nauna nang nagbigay ng pahayag tungkol sa naging engkuwentro sa pagitan ni Jim at ng Duterte Youth.
Read: Elizabeth Oropesa calls out Jim Paredes for allegedly bullying Duterte Youth members at EDSA rally
Dagdag pa ni Arnell, “Ayon sa kanyang ipinost sa kanyang Twitter account na ‘it was enjoyable.’ Di ba, parang napaka-cruel naman nun?
“I mean, you find pleasure sa ginagawa mong ganun sa kapwa mo, dahil lang hindi kayo nagkakasundo ng pananaw.
“Di ba, napaka-unfair nun na kung ano yung karapatan niya na maglahad ng kanyang gusto o kanyang paniniwala, kapantay yun ng karapatan nung walong yun na maglahad din ng kanyang paniniwala.
“Pantay sila. Walang nakakalamang dun.”
Si Arnell ay kilala bilang isang masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte at itinalaga nito bilang AVP for the Community Relation and Services Department ng PAGCOR.
DEFEDING THE DUTERTE YOUTH. Kilala raw ni Arnell ang walong kabataang miyembro ng Duterte Youth na pumunta ng EDSA.
Saad niya, “Ganun talaga sila, yung grupo na yun, kasi ang kanilang paniniwala, basta merong lugar na kung saan binabatikos ang presidente, pupunta sila dun.
“Matatapang talaga ang mga yun, but not to provoke.
“Ang kanilang layunin kasi, nakikita kasi nila yung president, trabaho raw nang trabaho, pagkatapos kung ano ang desisyon, meron pang pambabatikos.
“Ang gusto nilang magawa, kung saan nangyayari ang aksyon na yun, makikita ng presidente na meron pa ring nandoon na nagpapakita pa rin ng suporta sa kanya.
“Hindi naman sumasagot ang mga yun, e.
“Nakikita mo nga, sinisigawan sila, yung mukha nga, ang lapit lapit na, halos magkapalit na sila ng mukha ni Jim, e.
“These young people are so brave para sa kanilang paninindigan, kaya nila ginagawa yun at karapatan nila yun.”
Dagdag pa ni Arnell, “Kung minsan kasi, yung mga kasama natin, nakakalimutan na kung hanggang saan ba tayo pupuwede.
“Hindi porke’t sinabi mong itong gathering mo, e… hindi naman debut ‘yan. Wala namang motif ‘yan.
“Hindi mo puwedeng sabihing kami lang ang nandito dahil kami ay pro or kami ay anti. Walang ganun, e.
“Hindi naman private party yun, e. Hindi naman private na event.”
MESSAGE TO JIM. May mensahe namang gustong iparating si Arnell kay Jim.
Aniya, “Magrespetuhan lang. Huwag mong isiping porke siya ay pumunta doon ay binabastos ka niya.
“Di ba, yun ang sinasabi kasi nila, ‘Bakit kayo nandito?’
“Bakit naman hindi? Hindi nila puwedeng sabihin yun, e.
“May mga nagsasabi ring pinu-provoke.
“Ngayon, dahil garantisado ang iyong karapatan na nandiyan ka, kung anong naramdaman mo dahil sa kanilang presensya, e, ayusin mo yung sarili mo.
“Hindi ka dapat pumatol sa ganun dahil pareho lang kayo may karapatan na magsabi ng inyong opinyon whether ito ay magkakontra o magkasundo.
“Kung ano yung reaksiyon mo dun, dun susukatin yun.
“Hindi mo puwedeng sabihing huwag ka dito porke’t ang iyong paniniwala ay kontra sa paniniwala ko. Hindi puwede yung ganun.”
Dagdag ni Arnell, “Ang wish ko lang, sana yung lahat na magkaroon tayo ng mas mataas na maturity pagdating sa pag-handle ng hindi natin kasundong pananaw.
“Kasi, yung hindi magkasundong pananaw, pareho tayong meron tayong garantiya ng constitution sa ating karapatan.
“Walang puwedeng magsabi sa yung hindi mo puwedeng sabihin ‘yan, o kaya dito mo sabihin… o hindi ka puwede sa lugar na ‘to dahil amin ‘to.
“Kung gusto niyo ng ganun, e, di private party.”
MESSAGE TO DUTERTE CRITICS. Mensahe naman ni Arnell sa mga taong patuloy na tumutuligsa sa ginagawa ni Pangulong Duterte, “Ang sinasabi lang naman natin, bakit ba lagi na lang natin kailangang kontrahin kung ano itong nangyayari, e, ito na yung presidente, ‘yan na yun, o.
"Ano pa ba ang nginangawngaw natin?
“Pagbigyan na natin ‘yan, e, nandiyan na yung gobyerno natin, e.
“Basta yung gobyerno kumanan, kailangang kumaliwa sila.
“Kung kumaliwa yung gobyerno, kailangang kanan sila.
“Hindi man lang binibigyang pansin kung ano man lang yung tamang hakbang na ginagawa. Basta kailangan kontra.
“Kung merong napatay agad, si Presidente ang pumatay.
“Ano ba naman ‘yan. Yung 7,000 na pinatay, si Presidente na ang pumatay?
“Ano ba namang uri ng pananaw yun?”