Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Kiana Valenciano finally admits relationship with Sam Concepcion

by Nerisa Almo
Feb 27, 2017
Kiana Valenciano smiled and nod when asked by Vice Ganda if she's already in a relationship with Sam Concepcion.

Hindi na nakaiwas si Kiana Valenciano nang tanungin siya ni Vice Ganda kung may relasyon na sila ni Sam Concepcion sa episode ng Gandang Gabi Vice kagabi, February 26.

Kasama ni Kiana ang pinsan niyang si Donny Pangilinan na nag-guest sa late-night weekly talk show ni Vice.

Habang pinag-uusapan ang tungkol sa sikat na ama ni Kiana na si Gary Valenciano, biglang tinanong ni Vice si Kiana: “May boyfriend ka ba? Kayo na ni Sam?”

Natawa lamang ang 24-year-old na bunsong anak nina Gary at Angeli Pangilinan habang ipinapakita sa background ang social media posts kunsaan magkasama sila ni Sam.

Kasunod na tanong ni Vice kay Kiana: “Matagal na kayo? Ilang months na kayo?”

Muling natawa si Kiana at sinabing, “Oh, my gosh!”

Komento naman ni Vice sa kanya, “Oh, ang pa-girl naman nito. Babae na, nagpa-girl pa?”

Sabay muling tanong ng GGV host kay Kiana: “Pero officially kayo na?”

Continue reading below ↓

Tumango lamang si Kiana habang nakangiti bilang tugon.

Bubbles, balloons and prom. ?????????? My first "prom" hahah #MoetMoment #FUJIxKIANA

A post shared by Kiana Valenciano ???? (@kianavee) on

Just a couple of misfits. #FUJIxKIANA

A post shared by Kiana Valenciano ???? (@kianavee) on

Nagsimula ang usap-usapan tungkol kina Kiana at Sam nang mapansin ng netizens ang pagiging malapit nila sa isa't isa noong nakaraang taon.

Ngunit nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa isang panayam, sabi ng actor-singer, “I think I'll say it at the right time, because I don't want to say anything that…”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

STORIES WE ARE TRACKING

Sa isa pang hiwalay na panayam ng PEP kay Kiana, paiwas naman siyang sumagot sa status nila ni Sam.

Sabi niya, “I've known Sam since I was nine years old. So we're around each other all the time."

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiana Valenciano smiled and nod when asked by Vice Ganda if she's already in a relationship with Sam Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results