RS Francisco on BFF Gretchen Barretto: "I know people would see her as power-tripper, bitch..."

IMAGE Mark Atienza

RS Francisco on BFF Gretchen Barretto: "I know people would see her as power-tripper, bitch, she's a naughty girl. Pero lagi kong sinasabi ito na, 'I wish people could see how you are pag tayo-tayo ang magkakasama.'"


Ipinagmamalaki ng actor-entrepreneur na si RS Francisco ang pagiging malapit na magkaibigan nila ni Gretchen Baretto.

Sa ilang Instagram posts ni Gretchen ng mga party o events na pinupuntahan niya, madalas ay naroon si RS.

Kaya naman ipinapalagay ng marami na kabilang si RS sa ilang piling-piling close friends ng aktres.

With my dearest @rsfrancisco888 ???? @jewelmer ???? make up by my dear @rosaspatrick hair by my @dennissantos2012 ????

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

“I directed her for a commercial,” simulang kuwento ni RS sa pinagsimulan ng pagiging magkaibigan nila ni Gretchen.

“Akala ko mag-aaway kami.

“Of course, hindi kami magkakilala noon at hindi niya ako kilala noon, and I heard so many bad things about her, and I thought totoo lahat yun, mag-aaway kami sa set.

“Alam mo, nung first meeting namin, we hit it off, and then hindi na kami mapaghiwalay.

“Promise, I don’t know… I don’t know what. I thought we would fight, hindi magiging maganda ang working relationship namin. That was 2009 or 2010.

“She knows this. Before I met her, I didn’t like her. I told her.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RS sa presscon para sa pagbubukas ng Sinag Maynila Film Festival, kung saan kalahok sa full-length category ang pinagbibidahan at iprinodyus niyang pelikula, ang Bhoy Intsik, mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Mapapanood ang Sinag Maynila entries mula March 9 hanggang March 19 sa maraming sinehan.

GRETCHEN IN THE EYES OF RS. “She’s crazy” ang deskripsiyon ni RS kay Gretchen.

Patuloy niya, “I know people would see her as power-tripper, bitch, she’s a naughty girl.

“Pero lagi kong sinasabi ito na, 'I wish people could see how you are pag tayo-tayo ang magkakasama.'

“Kasi pag kami lang at makikita nila kung gaano siya ka-crazy at ka-normal... akala ng tao hindi ‘yan kumakain ng lugaw.

“Gusto nga niya ako dalhin sa Binondo para kumain kami ng siomai.

“Iniisip ng mga tao kumakain lang ‘yan sa mga hotel, kumakain lang ‘yan ng steak.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni RS, “In fact, when I first met her, ‘yan ang biruan namin, sabi ko, ‘Let’s eat.’

“Sabi niya, ‘Beautiful people don’t eat.’

“Siyempre, naloka ako!

“E, nakita niya ang dami kong dalang pagkain.

“Sabi ko, ‘I’m not gonna eat this, I’m just gonna smell this.’

“Tapos nagtawanan kami, nagyakapan, tapos sabi niya, ‘Sige, kakain din ako.’

“And she ate a lot also… tocino, mga ganyan. She eats so much.

“Ang paborito namin, Spam [luncheon meat]. You wouldn’t think Gretchen Barretto would eat Spam.”

FAMILY ISSUE. Hangga’t maaari ayaw namang magbigay ng reaksiyon ni RS sa isyu ni Gretchen sa kanyang mga kapatid at magulang.

Saad niya, “Honestly, I don’t talk to her about that.

“Ako, I don’t, kasi ayokong sa akin magsimula. Kasi family yun.

“Ayokong sulsulan siya, ayokong kampihan siya.

“Pag nagkabati sila, ikaw yung maiiwan.

“Rather, she talks to me about my family.

“She asks about my dad, kasi she’s very close to my dad and my mom.

“Kumanta siya sa wedding ng brother ko, kumanta siya sa wedding anniversary ng dad and mom ko.

“She attends mga parties. She likes mga intimate parties.

“Pag magkasama kami, most ang tanong niya, ‘Kumusta si Dad, kumusta si ganito. Anong ginagawa ni Dad at ni Mom?’

“Palagi siyang nagpapadala ng mga chocolates, mga ulam…”

Ayon pa kay RS, “Siguro lang, ito ha… hindi namin ito napag-uusapan...

“Siguro kinukuha na lang niya yung mother-figure sa mom ko, sa mga mommies ng mga friends niya.”

Ang ama ni RS ay ang dating Sampaguita Pictures actor na si Rudy Francisco, na gumanap na lolo na may Alzheimer's sa isang pamosong commercial noon ng McDonalds.

IS GRETCHEN QUITTING SHOWBIZ? Nag-away na ba sila ni Gretchen sa seven years nilang pagiging magkaibigan?

Mabilis na sagot ni RS, “Hindi, never.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I call her bitch and she calls me bitch.

“But it’s like, ‘C’mon bitch. Okay, bitch.’

“Hindi pa kami nag-away. Never, as in never.”

Sa pagkakaalam ni RS, suko na si Gretchen sa showbiz.

“Ayaw na nga niya e,” pagpapatunay niya.

“She wants to retire. 

“But I tell her, ‘Hindi ka naman magri-retire. I don’t believe you.’

“Pero ayaw na raw niya.

“Sa pagkakaalam ko, may ino-offer sa kanyang teleserye.

“Sabi ko, ‘Girl, may ino-offer sa iyong teleserye sa ABS-CBN.’

“Sabi niya, ‘No, I’m retiring.’

“Sabi ko, ‘Next year, 2017, you’ll miss acting again.’

“Sabi niya, ‘No.’ Ayaw niya.

“But knowing her, it’s in her blood.

“Give it six months, aarte rin ‘yan. Nasa dugo niya, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN