Cesar Montano mum on son Diego Loyzaga's rant: "Ayokong masira siya."

IMAGE Mark Atienza

Hanggang ngayon ay ayaw bigyang-linaw ni Cesar Montano ang mga naging batikos sa kanya ng anak na si Diego Loyzaga nitong nakaraang buwan. Umiiwas daw siyang magkomento tungkol dito at baka makasira lamang sa anak ang kanyang sasabihin. 


Ayaw nang magkomento ni Tourism Promotions Board chief operating officer Cesar Montano tungkol sa anak na si Diego Loyzaga.

Si Diego ay anak ni Cesar sa dati niyang nakarelasyong si Teresa Loyzaga.

Sa panayam ni Laila Chikadora ng News5 sa actor-government official kahapon, February 28, kinumusta niya kay Cesar ang anak na si Diego at ang kasalukuyang pinagdadaanan nito.

Tanging sagot ni Cesar, “Ay, hindi, hindi ko masasagot ‘yan. Ayoko.

“No comment. Ayokong masira siya.”

Noong February 7, 2017, sunud-sunod ang posts ni Diego sa kanyang Instagram at Twitter accounts ng mga batikos laban sa ama, na aniya’y walang nagawang mabuti sa kanya simula pa noong bata pa siya.

Read: Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano: "SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!"

CINEMA REHIYON. Sa naturang panayam din, ikinuwento ni Cesar na kakausapin niya si Pangulong Rodrigo Duterte para ihayag dito ang kanyang mga plano upang lalo pang mapalakas ang pelikulang Pilipino.

Patuloy rin daw siyang nakikipag-ugnayan kay Liza Diño, ang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), para magkarooon ng Cinema Rehiyon para mas mapalakas pa ang Pinoy movies at maengganyo ang mga baguhan sa movie industry, pati na ang mga bata, na gumawa ng pelikula. 

Gusto rin daw niyang huwag nang tawaging indie films ang independently produced films dahil lahat daw ng mga ito ay pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN