Kris Aquino hints at return to TV network "where I belong"

IMAGE Instagram photo of Kris Aquino

"FINALLY starting something NEW and celebrating with FAITH that my journey is taking me back to where I belong," says Kris Aquino about her possible return to television.


Matutuloy na ba ang proyekto ni Kris Aquino sa GMA Network?

Ito ang tanong ng karamihan sa followers ng Queen of All Media dahil sa post niya sa Instagram nitong Miyerkules, March 1.

Nagpahiwatig kasi si Kris sa pagbabalik niya sa trabaho, pagkatapos ng isang taong paghinintay.

Pahayag niya sa kanyang Instagram post: “FINALLY starting something NEW and celebrating with FAITH that my journey is taking me back to where I belong.”

Dahil sa mga katagang “where I belong,” maraming followers ni Kris ang nag-isip na sa GMA-7 mapapanood ang proyektong gagawin niya.

Ang dating tagline ng Kapuso network ay “Where you belong.”




Stories We Are Tracking

Kris Aquino says going back to ABS-CBN is not that simple
Kris Aquino says going back to ABS-CBN is not that simple

Sabi pa ni Kris tungkol sa pagbabalik-trabaho niya, “Taping starts Friday.”

Ginamit ni Kris ang hashtags na “#NaMissKoKayo” at “#NaMissKoAngTrabahoKongMahal” sa caption ng kanyang post.

Ganunpaman, hindi nilinaw ni Kris kung anong klaseng proyekto ang gagawin niya.

Sa nakaraang panayam ng ilang piling press kay APT Entertainment President and CEO Tony Tuviera, sinabi niyang bagamat wala pa silang konkretong kontrata para hawakan ang showbiz career ni Kris, tumutulong na rin silang umisip ng magandang programa para sa pagbabalik-telebisyon ng TV host-actress.

“Kung ibinalik mo siya sa the same thing that's showing before, ang hirap naman. Siguro iba naman,”  pahayag ni Mr. Tuviera.

Nilinaw rin ni Mr. Tuviera na ang nakaraang meeting nila ng anak niyang si Direk Mike Tuviera kay Kris ay tungkol sa digital media.

Noong 2016 ay nilisan ni Kris ang bakuran ng ABS-CBN pagkatapos ng 20 taon.

Pagkatapos nito ay napabalitang gagawa ng TV show ang Queen of All Media na ipalalabas sa GMA Network, ngunit hindi ito natuloy.


Stories We Are Tracking

Why does Kris Aquino not have a TV show yet?
Why does Kris Aquino not have a TV show yet?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN