Sam Milby clarifies robbing incident in Paris

IMAGE Instagram photo of Sam Milby

"Dont worry, when the 3 guys figured out it was my passport they gave it back and walked off," says Sam Milby updating his Twitter followers about his "stolen" passport in Paris.


Wala nang dapat ikabahala ang fans ni Sam Milby dahil hindi naman pala tuluyang nanakaw ang passport nito sa Paris, France.

Sa kanyang Twitter account kahapon, March 1, nilinaw ng Kapamilya actor na agad ibinalik ng mga magnanakaw ang passport niya nang malamang hindi ito wallet.

“Dont worry, when the 3 guys figured out it was my passport they gave it back and walked off,” sabi ni Sam.

Nag-alala ang ilang malapit na kaibigan at fans nang sabihin niya sa Twitter na nanakawan siya ng tatlong lalaki sa unang araw ng bakasyon niya sa Paris.

Dito ay nabanggit niyang nakuha sa kanya ang passport niya. Ngunit hindi niya agad nilinaw na agad itong naibalik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN