Daniel Matsunaga admits breakup with Erich Gonzales affected their families

IMAGE Noel Orsal

Daniel Matsunaga gave a brief statement about his recent breakup with Erich Gonzales at the presscon of ABS-CBN's new reality show I Can Do That. He said, "Siyempre, I love the person. It's just sad cause, in the end, we had a misunderstanding and the people really got affected."


Inamin ni Daniel Matsunaga na nahihirapan siya sa pagsubok na pinagdaraanan nila ngayon sa relasyon nila ng ex-girlfriend na si Erich Gonzales.

Pagkatapos maisiwalat sa publiko ang breakup nila ay hindi lang sila ang naapektuhan kundi maging ang mga taong malalapit sa kanila, partikular na ang kani-kanilang pamilya.

Pahayag ni Daniel, “Siyempre po mahirap lahat ng pinagdadaanan ko, di ba?

“Siyempre, I love the person.

“It’s just sad cause, in the end, we had a misunderstanding and the people really got affected, and even our families got affected and everything.”

Ito ang bahagi ng naging sagot ni Daniel nang matanong sa grand presscon ng bagong talent reality show ng ABS-CBN, ang I Can Do That, kung ano ang mas mahirap: ang pagharap sa challenges sa show o ang mag-mend ng broken heart.

Isa si Daniel sa walong Kapamilya celebrities na tinaguriang I CANdidates, na magpapagalingan upang makuha ang titulong "Greatest Entertainer."

Ginanap ang presscon nitong Huwebes ng tanghali, March 2, sa Studio 10 sa loob ng ABS-CBN compound.

Pero ayon kay Daniel, mahirap din ang challenges sa show.

Kaya sa halip na magpakalunod sa lungkot dahil sa kinahinatnan ng love story nila ni Erich, gusto niya munang pagtuunan ng pansin ang kanyang career ngayon, lalo na sa pagharap sa mga hamon ng I Can Do That, na mapapanood tuwing Sabado at Linggo simula sa March 11 at 12.

“Mahirap din yung show. At this time siguro mag-focus muna ako dito, sa trabaho muna, and sa career. Career ko muna and family,” sabi ni Daniel.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na kausapin si Daniel pagkatapos ng presscon. Pero nagmamadali na siyang umalis dahil may pupuntahan pa raw.


Stories We Are Tracking

Erich confirms breakup with Daniel:
Erich confirms breakup with Daniel: "It's over."
Daniel on breakup with Erich:
Daniel on breakup with Erich: "It was never about money."
Vanessa asks Erich 'to please address money issue'
Vanessa asks Erich 'to please address money issue'
Erich Gonzales: 'They want me to speak up, I will tell all.'
Erich Gonzales: 'They want me to speak up, I will tell all.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN