Jericho Rosales promises to replicate old photo of his late father

IMAGE Noel Orsal / Jericho Rosales Instagram

Jericho Rosales's message to his late father, Santiago Rosales: "I never got to say how amazing you are and that you are my hero. But i will be strong and patient. I will rejoice. And will always look up because i know that one day we will ride together in Heaven."


Dalawang araw pagkatapos yumao ng kanyang ama, isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Jericho Rosales sa Instagram kahapon, March 4.

Pumanaw si Santiago Rosales noong March 2 sa edad na 60.

Read: Jericho Rosales mourns his father's passing

Kalakip ng lumang larawan ng ama, sinabi ni Jericho na hahanapin niya ang lugar kung saan ito nagpakuha, sakay ng motorsiklong nara larawan din, at gagayahin ng aktor ang pose nito.

Base sa larawan, tila kuha ito sa San Juanico Bridge, na nag-uugnay sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.

Ang motor namang ginamit ng ama ay classic Kawasaki HD III.

Sa pamamagitan din ng Instagram, ipinarating ni Jericho sa ama na ito ang kanyang "hero."

Ito ang kabuuan ng mensahe ni Jericho para sa yumaong ama:

"Papa, i will find this place someday. I will replicate this photo of yours with your mighty motorbike. I will replicate all the great things you did in life.

"I never got to say how amazing you are and that you are my hero. But i will be strong and patient. I will rejoice. And will always look up because i know that one day we will ride together in Heaven.

"Let me say this in the cyber world- maybe now that you're up there, you already know how to use Instagram.

"I love you, pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN