Luis Manzano proud of Jessy Mendiola's new interests

IMAGE Mark Atienza

Luis Manzano is very proud of rumored girlfriend Jessy Mendiola's new interests, and supports her all the way: "Oo, she wants to explore kasi kung ano pa ang puwede niyang gawin. She wants to branch out. Ayaw niyang malimita sa ginagawa niya. Ang dami niyang gustong gawin. I'm very proud of her."


Kamakailan ay nag-post si Jessy Mendiola sa kanyang Instagram account ng larawan kunsaan nagpa-pattern ito ng damit.

Ayon sa rumored boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano, marami nga raw gustong gawin sa ngayon ang aktres at todo suporta siya sa mga bagong interes nito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Luis nung nakaraang Lunes sa set ng Minute To Win It, inamin niya na natutuwa siya sa mga bagong activities ni Jessy.

Lahad niya, “Oo, she wants to explore kasi kung ano pa ang puwede niyang gawin.

“She wants to branch out.

“Ayaw niyang malimita sa ginagawa niya.

“Ang dami niyang gustong gawin.

“Ngayon nagpa-pattern making siya, she want s to do photography.

“I believe she also wants to do scriptwriting also.

“There’s so many things kasi that interest her, so I can only be happy for her na she gets to explore.

“Kasi yung ibang mga tao, sa sobrang busy, di na nila nagagawa yung ibang bagay na interes nila kasi masyado silang nakatutok sa isang bagay.

“I’m very happy that she gets to explore.”

“Kasama ko siya kahapon, gumagawa siya ng assignments habang magkasama kami.

“Mga ganun-ganun.

“Naninibago siya kasi aral uli pero it’s a challenge that she welcomes.

“I’m very proud of her.”

DIVING. Nahihilig na rin ngayon si Jessy sa diving.

Marami ang nagsasabi na si Luis ang nag-impluwensiya sa aktres para makahiligan ang naturang water activity.

“Ever since naman she’s a beach baby.

“Matubig kaming tao.

“Di ako ma-other things, talagang dagat ako.

“Di ako mahilig sa bundok, di ako mahilig sa forest, di ako ganun.

“Kahit na its all part of nature, naku-klostro [claustrophobia] ako, di ko alam kung bakit na pag sa forest, naku-klostro ako.

“Pero pag sa dagat, relax na relax ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Influence? Well, ako naman kasi ang kumulit sa kanya.

“You will not be able to truly enjoy the ocean if you don’t get to see what’s under.

“Kung beach ka nang beach, okay fine.

“Pero iba yung alam mo kung ano ang nasa ilalim.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN