Luis Manzano reveals Jessy Mendiola's priceless V-day "gift"

IMAGE Screengrab from ABS-CBN's Family Feud

Despite being sick last Valentine's Day, Luis Manzano couldn't help but feel thankful for Jessy Mendiola's tender loving care: "Inaalagaan naman niya ako halos everyday na nagkasakit ako. Ang sama, ang sama lang talaga ng pakiramdam ko nun. Wala kaming gift sa isa't isa, e. Yun lang talaga, yung alaga na binigay niya."


Kung ang ibang showbiz couples ay nagselebera ng Valentine’s day sa ilang espesyal na lugar, wala raw naging celebration sina Luis Manzano at ang rumored girlfriend nitong si Jessy Mendiola dahil nagkasakit pala ang TV host.

“Nagkasakit ako, unfortunately.

“Ang plano ko sana mag-Batangas kami ni Jessy, pero nagkasakit ako nung [February] 13 pa lang.

“So, halos 13-16 yata, wala, ang sama ng sakit ko.

“Inaalagaan naman niya ako halos everyday na nagkasakit ako.

“Ang sama, ang sama lang talaga ng pakiramdam ko nun.

“Wala kaming gift sa isa’t isa, e.

“Yun lang talaga, yung alaga na binigay niya.

“Thank you, thank you, Chopie!”

“May regalo ka nga, wala namang nag-aalaga sa iyo.

“Mas maganda na yung may nag-aalaga sa iyo,” kuwento ni Luis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noon nakaraang Lunes, February 27, sa set ng Minute To Win It.

WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET.” Hanggang sa ngayon ay wala pa ring confirmation sina Jessy at Luis sa kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Pahayag sa amn ng TV host, masaya siya sa tinatakbo ng samahan nila ni Jessy.

Aniya, “What you see is what you get.

“Yun na yun, e.

“Common sense, alam naman ng tao.

“Kulang na lang pati lahat ng ano i-reveal namin.

“Common sense.”

“Everything is going out very, very smoothly sa ngayon.

“Ang sarap magtrabaho, ang sarap gumising, ang sarap to do a lot of things knowing that she’s there beside me.

GEARING UP FOR THE VOICE TEENS. Bukod sa magandang tinatakbo ng relasyon nila ni Jessy, masaya din si Luis sa tinatakbo ng kanyang showbiz career.

Pagpapasalamat niya, “Thank you sa lahat ng tumututok araw-araw sa Minute To Win It at sa Family Feud.

“Kahit na ang Minute nagbago pa ang time slot, kami pa rin ang number one game show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit nga sa regional na di kami napapanood agad-agad kasi nga mayroong regional news, kami pa rin ang number one.

“Wala, wala, I have my hands full already.

“Malapit na kaming magsimula sa The Voice Teens so ang dami pang ginagawa.

“From regular The Voice, tapos na yung Kids.

Ito naman [Teens] kasi ang dami sa mga teens natin na medyo awkward yung age.

“Too old for kids, too young for the adults.

“So ngayon eksakto yung Teens, may chance ang lahat ngayon.”

SARAH COMEBACK? Tinanong din namin si Luis kung balik-The Voice na ba muli si Sarah Geronimo na isa sa coach ng nasabing talent search program ng Kapamilya network.

“I believe so, I could be wrong but just to verify, I believe na kasama siya,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN