Arci Muñoz saddened by Ellen Adarna-Baste Duterte breakup: "Akala ko magki-click sila."

IMAGE Noel Orsal

Arci Muñoz feels sad about the breakup of her good friends Ellen Adarna and Baste Duterte, but believes they are better off with their decision: "Ngayon, siyempre malungkot, dahil bilang babae, kung sa akin gagawin yun, di ba? Ah basta, malaki na sila, bahala na sila."


Hindi raw alam ni Arci Muñoz kung bakit naghiwalay ang mga kaibigan niyang sina Ellen Adarna at ang presidential son na si Sebastian “Baste” Duterte.

Inamin ng aktres na parang gusto niyang sisihin si Baste dahil sa nangyari.

Natatawang pahayag niya, "Ewan ko ba, pag nakita ko si Baste, sasabunutan ko 'yan.

"Kasi, di ba? Ano ba?!?

"Kahit na, bilang gentleman, ano...

"Pareho kasi silang may topak sa ulo, kaya bahala sila sa buhay nila."

Hindi naman daw siya nagulat noong mabalitaan niyang naghiwalay ang dalawa, kahit na tumagal din ng ilang buwan ang kanilang relasyon.

Aniya, "Hindi, hindi ako nagulat.

"Kasi nung lumalabas pa lang siya, alam ko na na dun mapupunta 'to.

"Feelng ko, nasa kanilang dalawa [ang diperensiya]."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya actress sa presscon ng upcoming Kapamilya talent reality show na I Could Do That na ginanap sa Studo 10 ng ABS-CBN noong March 1.

CLUELESS ABOUT REASON BEHIND BREAKUP. Nababanggit na ang paggamit ng bawal na gamot ang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nina Ellen at Baste.

Ano ang masasabi ni Arci rito?

Gulat niyang tugon,"Ha? Hindi ko alam, hindi ko alam.

"Hindi ako masyadong nakakasama kay Ellen.

"Friend ko siya, kuwentuhan kami, at kung minsan lumalabas kami, pero....

"No naman siguro.

"She drinks a lot, and we all know that.

"Na-witness ko 'yan, e.”

MOTHER FIGURE. Pinagsasabihan ba niya ang kaibigan tungkol sa bisyo niyang ito?

Pagsang-ayon niya, "Oo, nanay ako, e.

"Ako talaga ang sumasaway sa kanya.

"Yung sa kanila [ni Baste], bahala sila, kung saan sila masaya.

"Pero ako kunyari, when in comes to taking good care of herself, yun dun ako, para akong ate."

Nagustuhan rin ba niya si Baste para kay Ellen?

Sagot ni Arci, "Tropa ko sila, e.

"Kilala niyo naman yung batang yun [si Ellen].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ako, feeling ko, ate nila ako, e.

"Akala ko nga sila na ang... kasi parang lalaking version ni Ellen si Baste.

'So akala ko magki-click sila.

"Masayang-masaya nga ako noon para sa kanila, e."

Ngayong tuluyan na ngang nagkahiwalay ang dalawa, ano ang pakiramdam ni Arci?

LIVE AND LET LIVE. Saad ng 28-year-old I Could Do That contestant, "Ngayon, siyempre malungkot, dahil bilang babae, kung sa akin gagawin yun, di ba?

"Ah basta, malaki na sila, bahala na sila.

"Ganun lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN