Beauty Gonzalez slams "judgmental" bashers for accusing her of sacrilegious offense

IMAGE Mark Atienza

Kung ang tawag ni Beauty Gonzalez sa kanyang haters ay "judgmental," ang kaibigan naman niyang si Ellen Adarna ay tinawag silang "ignoranteng ulol."


Tila napangunahan ng bashers ang Instagram post ng Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez nitong Sabado, March 4.

Sa larawan ay makikitang nakaupo si Beauty sa isang upuang gawa sa kahoy, na tila nasa altar ng isang simbahan dahil napapaligiran ito ng rebulto ng mga anghel o santo.

Caption niya rito: "Game of thrones"

Game of thrones????

A post shared by Christine Marie Gonzalez (@beauty_gonzalez) on

May ilang followers si Beauty na kaagad siyang binatikos dahil hindi raw nirespeto ng aktres ang kasagraduhan ng altar ng isang simbahan.

May iba pang nagsabing para lang may mai-post sa Instagram kaya hindi na inisip ni Beauty ang maaaring maging dating nito sa mga makakakita ng kanyang post.






 

BEAUTY, ELLEN HIT BACK AT BASHERS. Hindi naman pinalampas ni Beauty ang tinawag niyang "judgmental" na bashers niya.

Bago raw siya pagsalitaan ng kung anu-anong masasakit na salita ay dapat nagtanong muna ang mga ito kung ang larawan ay kuha nga sa altar ng isang simbahan.

Hindi raw iyon kuha sa isang simbahan kundi sa private space ng isang antique collector.

Sabi ni Beauty, “All judgemental people please unfollow.

"Know the facts before you speak.

"This is not a church, those are not holy relics, and there is no holy sacraments anywhere near.

"Everything in this photo is from an antique collector in a private space. Peace be with you.”


To the rescue naman ang kaibigan ni Beauty na si Ellen Adarna.

Kung "judgmental people" ang tawag ni Beauty sa kanyang bashers, "ignoranteng ulol" naman ang bansag ni Ellen sa mga ito.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN